Sarah Lahbati, nagbalik tanaw sa naging kasal nila ni Richard Gutierrez, mahigit anim na buwan nang nakalilipas

Isa sa mga memorable na bahagi ng ating buhay ay ang araw ng ating kasal. Ito ang araw na ikaw at ang mahal mo sa buhay ay mag-iisang dibdib sa harap at batas ng tao at ng Diyos. Sino ba ang hindi makakalimot sa kanilang kasal?



Credit; @sarahlahbati instagram

Gusto nga naman natin na maging perfect ang lahat sa araw ng iyong kasal. Mula sa suot, set-up, mga bisita at lahat ng kaganapan, kaya naman gustong gusto natin na lahat ng ito ay properly documented sa pamamagitan ng mga larawan at videos.

Credit; @sarahlahbati instagram

Iyan ang mga ibinahagi sa atin ni Sarah Lahbati. Kanyang ibinahagi sa Instagram ang mga larawan ng naging kasal nila ni Richard Gutierrez, mahigit anim na buwan nang nakalilipas. Talaga namang makikita na perfect ang lahat dito. At ang lahat ng ito ay naging matagumpay ay maganda dahil sa mga ito:

Credit; @sarahlahbati instagram

Photos by @patdy11, Makeup by @jellyeugenio, Hair by @paulnebreshair, Dress @markbumgarner, @eventsbyamandatirol @amandagtirol, Rings by @julbdizonjewellery @candifier.

Anim na buwan na rin ang lumipas simula ng mag-isang dibdib si Richard at Sarah. Maging si Sarah ay di rin makapaniwala na anim na buwan na ang lumipas.




“can’t believe this was already more than six months ago… tomorrow is never promised. you never know what could happen next so love and appreciate the people who are in your life. 🙏🏼 not taking one day for granted. ❤️ Lord, thank You,” saad ni Sarah sa kanyang IG.

Credit; @sarahlahbati instagram

Tama nga naman ang sinabi ni Sarah. Walang kasiguraduhan ang mangyayari sa susunod na mga araw at panahon kaya mahalaga na mahalin at pahalagahan ang mga taong mahal natin lalo na ang ating mga pamilya.



Credit; @sarahlahbati instagram

Lubos ding nagpapasalamat si Sarah sa Diyos sa kanyang asawa at kanilang nabuong pamilya. Happy family nga naman sila. Lalo na at nandiyan na ang kanilang mga napaka cute at makukulit na anak na sina Zion at Kai. Blessed at ideal family, ika nga nila.