Sharlene San Pedro, masayang ipinasilip ang kanilang simpleng buhay sa probinsya pati na rin ang kanilang mga tanim sa kanilang bakuran

Wala nga namang makakapantay sa buhay ng probinsya. Mula sa sariwang simoy ng hangin, maaliwalas na paligid at sa napaka eco-friendly vibe ay talagang mapapa wow ka kung naninirahan ka sa probinsya.



Credit: Sharlene San Pedro Instagram

Iyan nga naman ang buhay na ipinakita sa atin sa vlog ng dating Goin Bulilit child star na teen na ngayon na si Sharlene San Pedro.

Makikita sa House tour vlog noon ni Sharlene ang kanilang bahay at ang isa sa mga bahagi nito ay ang kanilang bakuran na ginawa nilang garden. Iyan naman ang ipapakita niya sa atin kasama ang kanyang mommy, ang kanilang garden sa probinsya.

Credit: Sharlene San Pedro Youtube

Makikita na napakalawak nga naman talaga ng bakuran nila Sharlene. Puro mga prutas at mga gulay ang nakatanim nila dito.

Credit: Sharlene San Pedro Youtube

Gaya na lamang ng Lychee na nagmula pa sa Pampanga. Mayroon ding suha, saging, ampalaya, okra, talong, kalamansi at kamatis.



Credit: Sharlene San Pedro Youtube

Ang ilan sa mga ito ay mayroon ng bunga na sila mismo ang nanguha. Magkasamang namitas si mommy at si Sharlene ng ampalaya, talong at okra.

Credit: Sharlene San Pedro Youtube

Tinikman pa nila ang sariwang baby okra dahil masarap daw ito.

Tuwang tuwa naman ang mga netizens at narito ang kanilang mga komento:

“ang ganda magkwento ni sharlene. hindi ka mauumay makinig sa kanya. may something sa the way siya magsalita na nakakaentertain”

Credit: Sharlene San Pedro Youtube

“So proud that despite of what you have achieve but you remain humble and samething with your fam. I hope you get more blessings ✨”

“Sobrang nakakatuwa ung may tanim sa bakuran. Parang ang sarap sarap tumira sa probinsya. Sana all.. Sa mga nagmamahal kay Shar tara yakapan tayo. Let’s support each other!”



Credit: Sharlene San Pedro Youtube

“kahit magulo ung hair mo dahil mahangin sa labas- magandang cute ka pa din sharlene please weekly ka na mag upload ng new vlogs mo- happy pill ka namin”

“Sobrang simple pero tahimik na pamumuhay. Dahil dito unti-unti kong narealize na mas masarap talagang mamuhay sa probinsya kaysa sa City. More vlogs, Ms. Shar❤”