Ina Raymundo, proud sa ipinakitang galing sa pagkanta ng kanyang anak na si Erika

Lahat tayo ay mag hidden talents ika nga nila. Mayroon tayong mga naitatagong galing na hindi natin alam, na sadyang kailangan mo itong madiskubre at mahulma hanggang sa mahasa ito.



Credit: Ina Raymundo Instagram

Gaya na lamang ng anak ni Ina Raymundo na si Erika Poturnak. Anak siya ni Ina sa kanyang asawang si Brian Poturnak. Masayang masaya at proud mom itong si Ina nang siya ay mapabilang sa Cornerstone Entertainment.

Credit: Ina Raymundo Instagram

Kaya naman, bilang bahagi nito siya ay hiningan ng isang impromptu song ng Cornerstone. Siyempre, hindi tayo binigo ni Erika at talaga namang napakagaling niya.

Credit: Ina Raymundo Instagram

“Love On The Brain @erikarae.p and I were at @cornerstone yesterday to say hello to the big bosses.😊 She was asked to sing an impromptu song. Erika took a deep breath, said “ok”, opened her laptop, picked a song then started singing this without warming up her voice. It was mesmerizing! We can’t wait for you to shine brighter ate Erika. It’s about time,” kwento ni Ina.




Talaga nga namang makikita kay Ina kung gaano siya ka supportive sa kanyang anak. Bilang isang magulang, malaking bagay ang suporta sa talento ng mga anak para mas mahasa at magka kumpiyansa sa sarili ang ating mga anak.

Credit: Ina Raymundo Instagram

Malugod namang ipinakilala ng Cornerstone Entertainment si Erika bilang kabahagi ng kanilang pamilya,

“A new face is coming your way. She is ready to conquer greater heights and we are all excited to see her flourish. Cornerstone Entertainment welcomes @erikarae.p! Your CS family is so happy for you.”


Naibahagi din ni Ina na anuman ang napagdaanan ni Erika sa pag abot ng kanyang pangarap ay nananatili pa rin siyang positibo sa buhay.



Credit: @erikarae.p instagram

“Despite everything that is happening, you’re still able to maintain a bright outlook and be a wonderful role model to your little sisters. We will always be proud of you, Ate @erikarae.p.,” sambit pa niya.