Bea Alonzo, detalyadong ipinakita ang bawat parte ng kanyang maganda at napaka-organized na bahay

Mula sa pagiging isang mahusay na artista, na patuloy na inabangan at sinuportahan ng publiko mula sa kaniyang mga teleserye at pelikula na pinagbidahan.



Credit: Bea Alonzo Youtube

Sa kabila ng kaniyang katanyagan at pagsusumikap sa buhay, sino ang hindi mamamangha sa bahay na kaniyang ipinatayo na siyang naipundar niya walong taon na ang nakakaraan.

Credit: Bea Alonzo Youtube

Kaya naman upang masilayan ang kaniyang mala palasyong tahanan, ibinahagi niya ito sa publiko na siyang mapapanuod sa bagong YouTube channel ng aktres.

Credit: Bea Alonzo Youtube

“This has been my home for the past eight years, and dami nang nagbago. It evolved, just like myself. And you have always been part of my journey ❤️ That’s why I am thrilled that I’ll be able to share it with you, finally. 😀”



Credit: Bea Alonzo Youtube

Matatandaang ipinatayo ni Bea ang kaniyang bahay noong taong 2012 at nitong nakaraang taon lamang, ay naisipan ng aktres na ipa-renovate ito mula sa mga kasangkapan na makikita sa kanyang tahanan.

Credit: Bea Alonzo Youtube

Pagdating naman sa napiling tema ng kaniyang bahay, mas gusto ni Bea na mag-focus sa kung anong disenyo ang naaayon sa kanyang kagustuhan.

“And I feel like we should not focus on the theme that much but focus on how our home makes us feel.”

Credit: Bea Alonzo Youtube

Pagpasok pa lamang sa kaniyang tahanan, bubungad na sayo ang kaniyang napakagandang foyer na sinamahan pa ng chandelier, na si Bea mismo ang nakaisip na kulayan ito ng itim upang ma-achieve ang tila`y pagka-quirky style nito.

Credit: Bea Alonzo Youtube

Sunod naman ipinakita ni Bea ang kaniyang office na isa rin sa kaniyang naging glam room, at makikita mula dito ang iba`t-ibang awards na kaniyang natanggap mula sa pagiging isang Best Actress sa mga pelikula at teleserye na kaniyang pinagbidahan.

Credit: Bea Alonzo Youtube

Bukod sa mga ipinakitang koleksyon na mga libro at digital paintings mula sa mga iniidolong artist ni Bea, kapansin-pansin naman ang pagkahilig ng aktres sa mga paintings na siyang makikita sa bawat sulok ng kaniyang bahay.



Credit: Bea Alonzo Youtube

Ngunit ang nakapukaw atensyon sa aktres, ay ang munting regalo na kaniyang natanggap mula sa dating kasintahan na si Zanjoe Marudo, na kung saan piniling i-display ni Bea ang regalo nito na siyang nagpapa-alala sa kanilang naging magandang pinagsamahan.

Credit: Bea Alonzo Youtube

Sa huling bahagi ng video, ipinasilip din ni Bea ang kaniyang pantry, kitchen, laundry area at ang kaniyang mini pool.

Mapapanuod naman ang part 2 ng kaniyang naturang house tour sa mga susunod pa na video na kaniyang ia-upload.