Kristine Hermosa at Oyo Boy Sotto, masayang ipinasilip ang pagsasama ng kanilang buong pamilya sa isang commercial

Isa na nga sa mga sinubaybayan at tinutukan noon ng publiko ay ang kahusayan ng aktres na si Kristine Hermosa at ang aktor na si Oyo Boy Sotto, mula sa kanilang mahusay na pagganap na talagang hinangaan ng karamihan mula sa magkakaibang pelikula na kanilang pinagbidahan.



Credit: Oyo Sotto Instagram

Ngunit sa pagkakataong ito, hindi isang pelikula ang inyong masasaksihan. Kung hindi isang commercial, na siyang kinaaliwan at kinagiliwan ng publiko simula ng maipalabas ito sa mga telebisyon.

Credit: @khsotto instagram

Mula sa Instagram post ni Oyo, makikita ang ginawa nilang commercial kasama ang 4 na anak nila ni Kristine na sina, Kristian Daniel, Ondrea Bliss, Kaleb Hanns at Marvic Valentine Jr.


Kapansin-pansin sa kanilang naturang commercial, ang kakaibang closeness at masayang kulitan nila buong pamilya.

Syempre hindi rin naman maaaring mawala ang ipinakitang sweetness ng mag-asawa na sina Oyo at Kristine.



Credit: Oyo Sotto Instagram

Ang commercial na kanilang ginawa ay nakuhanan bago pa lamang sumailalim sa quarantine ang Metro Manila, at ginawa nila ito para sa isang ice cream brand.

Mula sa ibinahagi nilang video, hindi naman napigilan ng mga netizens na magbigay ng kanilang kumento ukol sa tila’y masaya at kumpletong pamilya na mayroon sina Oyo at Kristine.

Credit: Oyo Sotto Instagram

“Beautiful family.”

“Wow happy fam, love it!”

“Ang sweet naman super family goals talaga grabe, love this family.”

Credit: @khsotto instagram

“Love seeing your big and happy family”

Bukod sa masayang kumento na nagmula sa kanilang mga supporters, isa namang taos-pusong mensahe ang binitawan ni Oyo para sa naging kaarawan ni Kristine noong September 9.




“Happy birthday mahal ko! I always thank the Lord na ikaw ang napangasawa ko. Salamat sa iyong walang katapusang pasensya sa akin, sa pag aalaga mo sakin at sating mga anak. Maraming salamat sa pag mamahal mo. Mahal na mahal kita.”

Ikinasal si Oyo at Kristine sa Batangas noong January 2011 at biniyayaan ng 4 na anak.