Anak ni Iya Villania na si Leon, cute na nakipagkulitan sa kanya habang sya ay nagtatrabaho sa bahay

Sa usapin ng hosting, isa sa mga napakagaling na female host ng Philippine industry ay si Iya Villania. Noon pa man nang siya ay nasa Kapamilya channel hanggang sa lumipat siya sa GMA 7 ay talagang napatunayan niya ang kanyang galing at talento.



Credit: Iya Villania-Arellano Instagram

Napakabilis nga naman ng panahon. Parang kailan lang noong single si Iya hanggang sa magka kasintahan siya. Ito ay ang broadcast journalist ng GMA na si Drew Arellano.

Talaga namang magkakasundo ang dalawa. Mula sa kanilang mga hilig at galing ay talagang meant to be at matched na matched sila. Hindi nagtagal, sila ay ikinasal at nakabuo ng isang masayang pamilya.

Credit: Iya Villania-Arellano Instagram

Ngayon, sila ay may tatlong anak. Ang kanilang panganay na anak na si Primo, 4 taong gulang, si Leon na 2 taong gulang at ang halos kakapanganak lamang na si Baby Alana.

Lagi nga naman tayong nakasunod sa IG ni Drew at Iya. Bukod sa nais nating maging updated sa kanila, gusto din nating makita ang mga nakaka good vibes at napakagagandang larawan kasama ang kanilang mga anak. Overload sa cuteness na hatid ng kanilang mga anak ang kanilang mga IG posts.

Credit: Iya Villania-Arellano Instagram

Gaya na lamang ng post na ito na kung saan makikita ang napaka cute na baby sa video na inupload ni Iya.



Credit: Iya Villania-Arellano Instagram

Ayon kay Iya, ay nasa bahay siya at siya ay nagtatrabaho at nagte-taping sa bahay. Makikita pa nga doon ang kanyang mga ilaw, ring light at mga gamit sa kanyang trabaho.

Pero, habang nagtatrabaho siya ay tila may isang cutie baby ang kasama niya na nasa sofa. Noong una ay hindi siya makita dahil nagtatago siya sa mga unan na nasa sofa.

Credit: Iya Villania-Arellano Instagram

Hanggang sa nagpakita siya, at makikita si Baby Leon na todo ang smile at halakhak sa video. Napaka cute nga naman talaga ni baby Leon.

 

View this post on Instagram

 

WFH 😆 With this cheeky little monkey ❤️

A post shared by Iya Villania-Arellano (@iyavillania) on


Narito naman ang naging komento ng ilan sa mga netizens:

“So cute! Made me smile!❤️”



Credit: Iya Villania-Arellano Instagram

“You’re amazing 3 small kids and working from home.”

“Far out he’s so cute.”