Sofia Andres, ipinasilip ang cute na pagmamasahe sa kanya ng kanyang anak na si Zoe pati na rin ang iba pang mga napakagandang larawan nito

Muling kinagiliwan ng publiko ang napaka-cute na si Baby Zoe, na anak ng aktres na si Sofia Andres sa kanyang partner na si Daniel Miranda.



Credit: @iamsofiaandres instagram

Matatandaang ikinagulat ng publiko ang naging anunsyo ni Sofia noon, nang sabihin nito na siya ay isang ganap ng ina at kaniyang isinapubliko ang larawan nila ni Baby Zoe kasama ang kanyang Daddy Daniel.

Credit: Zoe Natalia Miranda Instagram

Ikinagulat man ng karamihan ang nangyari, hindi naman ito naging hadlang upang patuloy na hangaan at panggigilan ang cuteness ni Baby Zoe mula sa mga larawang ibinabahagi ni Sofia sa kanyang Instagram account.

Marami ang natuwa at nagbigay ng kanilang kumento na tila’y isang “Little Daniel” ang nakuhang itsura ni Baby Zoe na nakuha nito sa kanyang Daddy.

Credit: Zoe Natalia Miranda Instagram

Kaya naman bilang isa sa mga kids internet sensation ngayon, naisipan na rin ni Sofia na gawan ng account si Baby Zoe upang masilayan at magkaroon ng channel of memories ang kaniyang anak paglaki.



 

View this post on Instagram

 

I swear I thought I was smiling here! πŸ™ˆπŸ‘»

A post shared by Zoe Natalia Miranda (@iamzoemiranda) on


Magmula sa mga cute na larawan ni Baby Zoe, hindi naman mawawala ang bonding time nila ng kaniyang Mommy Sofia sa maraming bagay.

Credit: @iamsofiaandres instagram

Isa na nga dito ay ang short video clip na in-upload ni Sofia sa kanyang Instagram, na kung saan ay makikitang nakahiga si Sofia sa paahan ni Baby Zoe at tila’y binibigyan siya ng masahe nito.

” My little bestie is massaging me @iamzoemiranda”

 

View this post on Instagram

 

My little bestie is massaging me @iamzoemiranda πŸ‘ΌπŸ»

A post shared by SOFIA (@iamsofiaandres) on


Sa naturang video ay makikitang, habang nanunuod si Baby Zoe ay nakahawak ito sa mukha ng kanyang Mommy Sofia at panaka-nakang nakatingin sa pinapanood.

Hindi naman napigilan ni Sofia na kuhaan ang kanilang naging bonding time umano ng kaniyang “Little Bestie”.

Credit: Zoe Natalia Miranda Instagram

Sa kabila nito ay samu’t saring reaksyon at kumento naman ang kanilang natanggap mula sa netizen at piling kaibigan ni Sofia sa showbiz.

“😍❀️ So beautiful”

“Ganda talaga ng mata ni Baby Zoe 😍”



Credit: @iamsofiaandres instagram

“So adorable and cute! πŸ’•”

“Grabe!! Super ganda naman ng Baby na yan ❀️❀️❀️”