Singer at Nurse na si Carol Banawa, ipinahayag ang kanyang pagbubuntis sa kanyang ika-tatlong anak

Masayang ibinahagi ng isang singer at aktres na si Carol Banawa, ang magandang balita tungkol sa pagbubuntis nito sa kanilang ikatlong baby sa kaniyang asawa na si Ryan Crisostomo.



Credit: Carol Banawa Instagram

Mula sa Instagram post ng dating aktres, ibinahagi nito ang isang larawan noong Sabado, September 12 na kung saan ay makikitang nandoon ang naging sonogram nito kasama ang caption na, “We can’t wait to meet you. Baby Crisostomo. Arriving Apr 2021,”

 

View this post on Instagram

 

Another blessing…❤️ #andthentherewerethree ❤️

A post shared by Carol Banawa (@iamcarolbanawa) on


Isa si Carol sa mga naging tanyag noon sa larangan ng musika at hinangaan ng publiko mula sa kaniyang mga awiting, “Bakit ‘Di Totohanin,” “Iingatan Ka,” at “Till My Heartaches End.” na talaga namang patuloy tinatangkilik ng karamihan sa kasalukuyan.

Credit: Carol Banawa Instagram

Ngunit bukod sa pagiging isang singer at full-time mommy sa kanyang dalawang anak na sina Chelsea at River, hindi lingid sa kaalaman ng iba na isa ring ganap na frontliner si Carol sa United States.



Credit: Carol Banawa Instagram

Matatandaang nagtapos si Carol sa kursong nursing sa Northern Virginia Community College noong Mayo ng taong 2018, na kung saan ay nagtapos siya bilang summa cum laude sa naturang paaralan. Matapos nito ay naging registered nurse din siya noong July ng kaparehong taon.

Ang pagiging isang registered nurse ay hindi rin madali para kay Carol, dahil kaakibat nito ang bawat tako0t na kaniyang nararamdaman sa tuwing siya ay nasa trabaho.

Credit: Carol Banawa Instagram

Ayon sa isang panayam mula sa Metro.style, ay ito ang kanyang nasabi, “I guess it’s the fear. The fear each time you go to work, that’s the most difficult thing to fight. Pero again, at the end of the day, you’re there because you’re there to do your job and your duty.”

Kahit man natatakot sa kasalukuyang sitwasyon ngayon ng mundo, patuloy pa ring nagpapaka-positibo si Carol na balang araw ay matatapos din ang pel!gr0ng dala ng C0VID at magiging maayos muli ang buhay ng bawat tao.



Credit: Carol Banawa Instagram

“It is so hard to stay positive when you are going through a difficult time, and I’m sure that a lot of people would agree with me on that. However, I also know that there is an end to this. We have to believe and have faith in God. We will be okay.”