Mariel Padilla, ibinahagi kung paano sya alagaan at asikasuhin ng kanyang asawa na si Robin ngayong sya ay may karamdaman

Mula sa isang pagiging mahusay na artista ng aktor na si Robin Padilla, hindi naman maitatanggi ang pagiging hands-on Daddy nito at ang pagiging mabuting asawa sa aktres na si Mariel Rodriguez-Padilla.



Credit: Mariel Padilla Instagram

Sa kabila man ng pagkakaroon ng busy schedule ni Robin sa kaniyang trabaho, hindi nakakaligtaan ng aktor na punan ang mga responsibilidad at ang kaniyang buong pagmamahal at pag-aalaga para sa kaniyang pamilya.

Credit: Mariel Padilla Instagram

Kaya naman sa kabila ng pagiging “Best Daddy” nito sa kaniyang 2 prinsesa na sina Isabella at Baby Gabriela, ipinakita din nito ang kaniyang pagiging maalaga at maasikaso sa kaniyang asawa na si Mariel habang kasalukuyang may dinaramdam ito.

Credit: Mariel Padilla Instagram

Mula sa Instagram post ni Mariel, makikita ang pag-aasikaso ni Robin sa kaniya nang dalhan sya nito ng pagkain.

“I take care of everyone but he takes care of me. Thank you babe @robinhoodpadilla 😘 sana gumaling na ako.”


Kapansin-pansin din na nakasuot ng face mask at face shield si Robin habang pinaghandaan niya ng makakain si Mariel.

Kasalukuyang wala pa rin balita sa dahilan ng karamdaman ni Mariel, ngunit hangad ng aktres na maging mabuti at maayos na muli ang kaniyang pakiramdam.




Labis naman ang naging pasasalamat ni Mariel kay Robin sa pag-aalaga nito sa kaniya ngayon.

Sa kabila nito hindi naman naiwasan ng mga supporters at kaibigan ni Mariel ang mag-alala at magbigay ng kanilang kumento ukol sa naging karamdaman ngayon ng aktres.

“Steaming lang @marieltpadilla then drink plenty of hot lemon and ginger. More on hydration and eat well kahit na walang gana to make you strong. Get well soonest po ❀️❀️”



Credit: Mariel Padilla Instagram

“Magpapawis ka po, tas palitan agad ang damit para guminhawa po ang pakiramdam mo. Talukbong ulit at magpapawis. Inom ng mainit na sabaw (tinolang manok), wala po munang aircon kung gustong gumaling 😍😊 pwede electric fan pero di nakatapat ss inyo 😍”

” Get well soon Ma πŸ–€”

“Get well soon po Ms. Mariel”

“Praying for your fast recovery. Get well soon πŸ˜‡”