Kakai Bautista, pinasyalan ang kanilang lugar sa Laguna at ipinasilip din ang kanyang bagong bahay doon

Makalipas ang anim na buwan simula nang mapasailalim ang Metro Manila sa community quarantine, masayang ibinahagi ng aktres at komedyante na si Kakai Bautista ang kaniyang tatlong bahay na matatagpuan sa Laguna.



Credit: Kakai Bautista Youtube

Unang ipinakita ni Kakai ang kasalukuyang tinitirhan ngayon ng kaniyang pamilya sa Laguna na kung saan sila ngayon ay nangungupahan.

Pagpasok pa lamang ni Kakai sa kanilang naturang bahay, agad naman siyang sinalubong ng kaniyang aso na si Chuchie Pie at tila’y makikita ang kasiyahan nito ng maramdaman ang presensya ng aktres.

Credit: Kakai Bautista Youtube

Ayon kay Kakai, malaki ang kaniyang pasasalamat sa landlady at landlord ng bahay na inuupahan ng kaniyang pamilya, dahil ayon umano sa kanya hindi nagtaas ng renta ang mga ito.

Sunod naman ipinakita ni Kakai ang bahay na kaniyang ipinagawa sa Laguna at makikitang bakante pa ang loob nito dahil kasalukuyang hindi pa tapos ang pagpapagawa dito, na ayon sa aktres ay nakatakda dapat matapos ito bandang Hulyo at Agosto ngayon taon.

Credit: Kakai Bautista Instagram

Hindi pa man tapos ang pagpapagawa ni Kakai para sa bahay na titirhan nilang pamilya, makikita na ang excitement sa aktres habang isa-isang ipinapakita nito ang mga plano na kaniyang gagawin kapag naging maayos na ang lahat.



Credit: Kakai Bautista Youtube

Sa ikatlo at huling bahay naman na ipinakita ni Kakai, ito ang bahay na kaniyang kinalakihan noon habang kasa-kasama pa nito ang kanyang lolo at lola na may karamdaman sa paningin at pandinig.

Credit: Kakai Bautista Youtube

Apat na taong gulang pa lamang noon si Kakai ng manirahan ito kasama ang kaniyang mga lolo at lola, na siyang kalapit ng bahay na inuupahan ng kaniyang pamilya ngayon.

Nang balikan ng aktres ang mga pinagdaanan nya noon habang maliit pa lamang, masayang ikinuwento ni Kakai ang mga naging karanasan at kaganapan niya kasama ang mga naging kaibigan at kalaro nito na siyang maganda na din ang naging buhay ngayon.

Credit: Kakai Bautista Youtube

Hindi pa man tapos ang bahay na ipinapagawa ni Kakai, excited at masaya pa rin ang aktres na balang araw ay muli nyang makakasama ulit ang kaniyang pamilya sa isang tahanan.

Narito naman ang ilan sa mga naging komento ng mga netizens sa kanyang vlog:

“God bless !!!! I’m so happy for you. All the success in the world, deserve na deserve mo!!! Love you, Ms. Kakai!!!”



Credit: Kakai Bautista Youtube

“Salamat for sharing love it reminds me when I was growing up visiting my tita’s and tito’s sa Paete”

“Paborito kong comedian singer toh sobrang natural at very talented”