Ivana Alawi, binigyan ng sariling lupa ang kapatid na si Hashim na talagang di makapaniwala sa surpresang natanggap

Nakilala ang aktres at YouTube vlogger na si Ivana Alawi mula sa kanyang mga video contents, na talaga namang kinagiliwan ng publiko magmula sa mga pranks at challenges na kanyang ginagawa hindi lamang sa kanyang mga kaibigan sa showbiz industry, kundi pati na rin sa kaniyang pamilya.



Credit: Ivana Alawi Youtube

Ngunit sa pagkakataong ito, hindi prank at challenge ang iyong masasaksihan, dahil isang surprise video ang ginawa ni Ivana para sa kanyang Kuya na si Hashim.

Sa naturang video ni Ivana, ang tanging alam ni Hashim ay bibisitahin lamang nila ang lupa na binili ni Ivana para sa kanilang pamilya, ngunit ang hindi alam nito ay isang sorpresang lupain ang binili ni Ivana para naman sa kanya.

Credit: Ivana Alawi Youtube

Ang lupa na binili ni Ivana para kay Hashim ay isang munting regalo para sa kanyang Kuya dahil sa pagiging supportive na kapatid nito sa kanya at sa bunsong kapatid nila na si Mona.

Credit: Ivana Alawi Youtube

Ayon kay Ivana, binalak niya umanong bigyan ang kapatid ng gamit na magugustuhan nito, ngunit ayon kay Hashim, hindi nya kailangan gawin iyon dahil hindi rin naman niya ito magagamit at masasayang lang.

Kaya naman naisipan ni Ivana na isang lupa ang kaniyang ibibigay para kay Hashim, upang magamit nito hindi lamang para sa kanya kundi para na rin sa magiging pamilya ng kaniyang kapatid.



Credit: Ivana Alawi Youtube

Sa kanilang pagpunta sa lupa na binili ni Ivana para sa kanilang pamilya, ipinakita ng aktres ang magiging itsura at disenyo ng itatayong bahay mula sa lupa na kanyang binili.

Credit: Ivana Alawi Youtube

Pagkatapos nito, sunod naman nilang pinuntahan ang lupa na binili niya para kay Hashim. Mula sa video ay makikitang hawak-hawak ni Ivana, ang isang case bag na kung saan ay laman nito ang titulo ng lupa na nakapangalan mismo sa kanyang kapatid na si Hashim.

Credit: Ivana Alawi Youtube

Nang ibigay ni Ivana ang bag sa kanyang kapatid, hindi naman maitago ang pagkagulat at pagiging emosyonal ni Hashim ng malaman at makita ang sorpresa ni Ivana para sa kanya.

“This is too much, Mariam. I can’t believe it,”



Credit: Ivana Alawi Youtube

Hindi man nakasama si Mona sa naturang surpresa, labis naman ang kasiyahan nito para sa kaniyang Kuya Hashim na ayon sa kanya, deserve nya lahat ito sa kabila ng pagiging supportive brother nito sa kanilang dalawa ng kanyang Ate Ivana.