Baron Geisler, masayang ibinahagi kung gaano sya kapalad sa kanyang asawa kasabay ng kanilang pagdiriwang ng kanilang unang wedding anniversary

Isang masayang selebrasyon ang ipinagdiwang ng sikat na aktor na si Baron Geisler, kasama ang kaniyang asawa na isang psychologist na si Jamie Evangelista para sa kanilang unang anibersaryo bilang mag-asawa.



Credit: Baron Geisler Instagram

Nagsimulang mabuo ang kanilang pag-iibigan ng ma “love at first sight” umano si Baron kay Jamie noong panahong nagpapagaling ito sa [email protected] center.

Kaya naman nang mabihag ni Baron ang puso ni Jamie, hindi niya na ito pinakawalan at ikinasal nga ang dalawa sa isang civil wedding ceremony noong September ng nakaraang taon.


Hindi lubos maisip ni Baron na darating ang magandang pagkakataon na ito sa kanyang buhay, ang mabiyayaan ng Panginoon ng katulad ng kanyang asawa na si Jamie, na ayon sa kanya ito raw ay tila’y isang munting regalo na kanyang natanggap.

Matapos ang ilang buwan, nagbunga naman ang kanilang pagmamahalan at isinilang ni Jamie ang kanilang first baby na si Talitha Cumi sa Cebu City noong January.



Credit: Baron Geisler Instagram

“I’m very blessed to have her in my life kasi I’m not perfect, I’m God’s work in progress, but I am striving to be the best version of myself.”

Credit: Baron Geisler Instagram

Kaya naman sa pagdiriwang ng kanilang unang anibersaryo, sinulit ni Baron at Jamie ang magandang pagkakataon na ito at nagpunta sila sa isang beach resort upang ma-enjoy ang bawat oras na sila ay magkasama. Magmula naman sa mga larawan na ibinahagi ni Baron sa kanyang Instagram Post, ay isang maikling mensahe naman ang kaniyang sinabi para sa kanyang asawa na si Jamie.

“I’m blessed to have a very loving and supportive wife who has endured me for a year now. Hehehe… 😄 Praying for an abundant life together. God knows I love you very much @jamieevangelista ❤”


Sa kabila man ng pinagdaanan ni Baron sa kaniyang buhay, pinatunayan ng aktor na kailanman hindi sya pinabayaan ng Panginoon at ang kasiyahan na kanyang natatamo ngayon ay dahil sa biyayang natanggap nya na habangbuhay nyang ipagpapasalamat.

“Without God by my side and without her, I cannot make it.”