Isang mala hotel na bahay ang ipinasilip ni Derek Ramsay kasama ang kanyang kasintahan na si Andrea Torres

Matatandaang ibinahagi ni Derek sa morning show na Unang Hirit, ang munting pasilip sa kaniyang mala museum na tahanan, ngunit hindi nya naipakita ang kabuuan nito dahil ayon sa aktor ay under construction pa ito.



Credit: Andrek Vlogs Youtube

Kaya naman nang matapos ang pagpapagawa sa kanyang bahay, masayang ibinahagi ni Derek ang naipundar niyang tahanan para sa kaniyang pamilya.

Magmula pa lamang sa labas ng kaniyang tahanan, makikita na ang pagiging manly ng mga disenyo at kulay na inilagay para dito.

Pagkapasok naman sa loob, mamamangha ka naman sa napakagandang view na makikita mula sa kanilang living area.

Credit: Andrek Vlogs Youtube

Mula sa kanilang living room, kapansin-pansin naman ang isang black unique sofa na makikita ang kakaibang style nito na kakaiba sa nakasanayang disenyo ng mga upuan.

Bukod sa pag-aartista, nahilig din si Derek sa mga incredible artworks na siyang makikita naman sa bawat sulok ng kanyang bahay, na nagmula mismo sa mga local artists tulad na lamang nina Dominic Jenon at Jinggoy Buensucesco.

Credit: Andrek Vlogs Youtube

Sunod naman ipinakita ni Derek ang junior master’s bedroom na ipinagawa nya para sa kanyang mga magulang.



Credit: Andrek Vlogs Youtube

Pagpasok pa lamang sa loob, ay makikita na ang magandang view na nagmula kanilang glass window. Hangad ng aktor na makasama ang kanyang mga magulang sa iisang bahay, kaya naman hanggang ngayon ay kinukumbinse pa rin niya ang mga ito na manirahan kasama nya.

Credit: Andrek Vlogs Youtube

Bukod sa mala hotel na tahanan ni Derek, hindi naman mawawala ang ipinagawa din niyang elevator na magtutungo naman sa ikalawang palapag ng kaniyang bahay.

Credit: Andrek Vlogs Youtube

Huli naman ipinakita ni Derek ang kanilang master’s bedroom, na kung saan ito raw ang isa sa mga huli nyang ipinagawa na kwarto.

Credit: Andrek Vlogs Youtube

Magmula sa disenyo at mga kagamitan, makikita ang pagka-manly nito mula sa kulay na itim, brown at beige na nagbigay kagandahan sa kanyang kwarto.

Sa naging munting pasilip ni Derek sa kaniyang tahanan, marami namang netizen ang namangha at nagbigay ng kanilang kumento patungkol dito.



Credit: Andrek Vlogs Youtube

“Manly house, compliment with Derek’s personality. Ganda!”

“This house is the ideal house talaga very manly.”

“I can see lots of object d’art! Very manly nga.”