Rita Gaviola, napakalaki na ng pinagbago ng buhay simula ng makilala bilang si Badjao Girl

Sino ang mag-aakala na ang simpleng stolen shot lang noon, ay magiging viral at makakapagpabago ng buhay ng isang babaeng nangangarap na maiahon mula sa kahirapan ang kaniyang pamilya.

Naging usap-usapan sa social media noong taong 2016, ang viral photo ng isang “Badjao Girl” na nakilala bilang si Rita Gaviola matapos makuhanan ng isang photographer sa isang Pahiyas Festival sa Lucban, Quezon.



Credit: Rita Gaviola Instagram

Mula sa simpleng larawan na iyon, hindi lubos akalain ni Rita na doon na pala magsisimula ang pagtupad sa kaniyang mga pangarap at maiahon sa kahirapan ang kaniyang pamilya.

Ang kinagisnang buhay noon ni Rita ay maituturing na “Isang kahig, isang tuka”, magmula sa hirap na kanilang pinagdaanan, ang panlilimos at pagpupulot ng mga basura ang nagsilbing paraan upang mairaos ang kanilang sarili sa kagutuman.

Credit: Rita Gaviola Instagram

Ngunit sa kabila nito ay hindi tumigil si Rita na mangarap ng malaki para sa kaniyang pamilya. Dahil sa kanyang naging viral photo, maraming oportunidad ang lumapit sa kanya na siyang naging daan upang makita ng publiko ang kanyang potensyal at angking kagandahan.

Credit: Rita Gaviola Instagram



Nagsilbing tulay ang lahat ng ito upang pasukin ni Rita ang pagiging isang modelo, aktres at sumabak rin siya sa ilang mga reality shows.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rita Gaviola (@itsritagaviola) on


Dahil sa mga tagumpay na tinatamasa ni Rita ngayon, nakapagpundar na rin siya ng isang munting tahanan para sa kaniyang pamilya.

Ngunit hindi lamang dito natatapos ang katuparan sa mga pangarap ni Rita, kundi isang panibagong simula para sa kaniya ang ipagpatuloy ang naudlot na pag-aaral at tuparin ang kaniyang pangarap na maging isang ganap na guro balang araw.



Credit: Rita Gaviola Instagram

Hindi man naging madali ang naging buhay na kinagisnan ni Rita at ng kaniyang pamilya noon, pinatunayan pa rin ng isang “Badjao Girl” na ang bawat hirap na kanilang pinagdaanan noon ay parte na lamang ng kanilang magandang buhay ngayon.

Pinatunayan ni Rita na walang makakahadlang sa mga pangarap na kaniyang binuo kasama ang kaniyang pamilya.