Jinkee Pacquiao, nagbalik tanaw sa civil wedding ceremony nila ni Manny, 21-taon nang nakakalipas

Ang dalawang taong pinagtagpo ng Panginoon ay sila din ang talagang magkakatuluyan. Napakahalaga ng seremonya ng kasal dahil ito ay ang magbibigkis sa dalawang tao sa batas ng tao at ng Diyos.



Credit: @jinkeepacquiao instagram

Kaya naman, memorable sa dalawang mag-asawa ang kanilang kasal. Bukod sa selebrasyon, ang mas mahalaga dito ay ang araw na ipinahayag ang pagmamahalan sa publiko.

Sabi nila walang forever, pero para kay Boxing Champ Senator Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao ay nagpapatuloy sila sa matibay at malalim na pagsasamahan kasama ang kanilang mga anak.

Credit: @jinkeepacquiao instagram

21 years ng kasal sina Manny at Jinkee. Sa loob ng 21 taon ay sinubok sila ng panahon at nanatiling matatag at matibay. Kaya naman, noong Biyernes ay kanilang pinagdiwang ang kanilang anibersaryo.

Credit: @jinkeepacquiao instagram

” 💖 1999 💖 “The two are united into one” Genesis 2:18 ” Then the Lord said, “It is not good for the man to be alone. I will make a helper who is just right for him.” 💕




“God gave me, you,” saad ni Jinkee sa kanyang post. Malaki ang pasasalamat ni Jinkee sa Diyos dahil siya ang kanilang nagiging sandigan sa anumang oras.

“21 years and counting! Grabe, how time flies. Nagpapasalamat ako sa Panginoon sa lahat, ang dami nating pinagdaanan, nalampasan ang mga pagsubok at ngayon mananatiling matatag at malakas sa gabay ng Panginoon! I love you, babe! 🥰 God is good all the time! 🙏,” patuloy pa niya.

Credit: @jinkeepacquiao instagram

Nagbalik tanaw pa si Jinkee sa pinost niyang picture nila ni Manny sa kanilang kasal noong 1999.

“Blond pa ang hair mo @mannypacquiao 😅 ikaw murag si jimuel ako murag si queenie 😅#flashbackfriday #civilweddingceremony,” sambit pa niya.



Credit: @jinkeepacquiao instagram

Hindi ba’t nakakabilib ang samahan ng mag-asawang Manny at Jinkee? Sa h!rap at ginhawa ay lagi silang magkasama. Maraming pagsubok at unos ang dumating ay nanatili sa isa’t isa. Kaya ngayon, kanila ng nakakamit ang tamis ng bunga ng kanilang pagmamahalan.