Neri Naig, ipinasilip ang nabili nyang bagong condo na bunga ng kanyang pagbebenta ng tuyo at iba pang produkto online

Lahat nga naman ngayon ay umiikot na sa virtual world. Dahil sa pag-usbong ng teknolohiya, marami ng mga pagbabago ang naganap at nagagamit natin ito sa ating pangaraw araw na buhay.



Credit: Neri Miranda Instagram

Lalo pa itong mas naging kapaki pakinabang sa panahon natin ngayon. Dahil sa pandemyang dulot ng C0VID, marami ang naapektuhan at isa sa mga panawagan ay bawal lumabas. Kaya naman, lahat ngayon ay naidadaan online. Kabilang na dito ang pagnenegosyo at shopping.

Credit: Neri Miranda Instagram

Kaya naman, pinasok na rin ng mga negosyante ang online world na kung saan sila ay nagbebenta ng mga damit, kagamitan at maging mga pagkain.

Credit: Neri Miranda Instagram

Gaya na lamang ng aktres na si Neri Naig. Pinasok na rin niya ang negosyo ng online business. Sa kanyang sipag at tiyaga, ay regular ang kanyang kita at nakuha pa niyang makabili ng condiminium dito.



Credit: Neri Miranda Instagram

“Thank you, Lord! Isa na namang biyaya from You po. Dahil sa pagtitinda ng tuyo, suka, kape, beddings, sleepwear, at accessories online, nakabili ng isang condo sa may tabing dagat,” sambit ni Neri.

 

View this post on Instagram

 

Thank you, Lord! Isa na namang biyaya from You po. Dahil sa pagtitinda ng tuyo, suka, kape, beddings, sleepwear, at accessories online.. nakabili ng isang condo sa may tabing dagat. Sobrang proud ako sa sarili ko dahil pinaghirapan ko ang lahat ng mga nainvest ko. Nakakaiyak! Salamat sa lahat ng nagbigay ng birthday messages sa akin. Grabe kayo, nakakaiyak! Feeling ko ang bait bait ko, haha! Pero seriously, salamat sa messages nyo pong lahat. Ang sarap sa pakiramdam na may tama pala akong ginagawa sa earth, hehe! Ang dami ko na palang “nabago” ang mga buhay sa pamamagitan ng pag inspire sa lahat na walang imposible sa mga taong may mga pangarap, ang mga masisipag, at may determinasyon. Lahat ay posible dahil may Diyos at Allah sa buhay at puso nating lahat. At kapag nakaraos sa hirap, ang blessings natin ay dapat i-share sa mga taong naging katulad natin noon na nahirapan pero bumabangon at lumalaban. Thank you po sa lahat ng mga naniniwala sa akin, sa kakayahan ko bilang isang negosyante, bilang isang influencer, bilang isang endorser, bilang isang mentor, bilang isang boss, bilang isang katrabaho, bilang isang kaibigan, bilang isang kapatid, bilang isang anak, bilang isang asawa, at bilang isang ina. Thank you, Lord, sa lahat po ng blessings! Dati ay palagi po akong nagtatanong sa Inyo po kung bakit parang ang hirap naman ng buhay ko. Yun pala ay hinahanda Nyo po ako sa kung ano at meron po ako ngayon. Maraming salamat po, Lord, at di po Nyo ako sinukuan bagkus ay ginabayan Nyo po ako. Ilang taon na lang at mag kwarenta na ako! haha! Tanda ko na! Pero masaya ako dahil proud ako sa lahat ng accomplishments ko. Sa makakabasa nito, ikaw na ang susunod, wag ka lang susuko! Tulungan kita, magbenta tayo! Hahaha! Nagpromote pa ih! Seriously, kaya mo yan, wag kang susuko. Tandaan, ang bida ay nabubugbog muna bago manalo, tingnan mo si FPJ, hehe! Bugbog na hindi literal ha? Ibig kong sabihin, syempre mauuna ang hirap at sakripisyo bago mo makita at matikman ang success. Kanya kanyang time tayo, sa ngayon ako naman, it is my time to shine, hihi! Ikaw na ang next! Maniwala ka lang!❤️

A post shared by Neri Miranda (@mrsnerimiranda) on


Ipinasalip din naman sa atin ni Neri ang kanyang condo sa kanyang IG account.

Sakto pa na nagpaabot din ng pasasalamat si Neri sa lahat ng mga netizens at fans na nakaalala at bumati sa kanyang kapanganakan.

Credit: Neri Miranda Instagram

“Ang dami ko na palang ‘nabago’ ang mga buhay sa pamamagitan ng pag-inspire sa lahat na walang imposible sa mga taong may mga pangarap, ang mga masisipag, at may determinasyon. Lahat ay posible dahil may Diyos at Allah sa buhay at puso nating lahat,” saad ni Neri.



Credit: Neri Miranda Instagram

“At kapag nakaraos sa hirap, ang blessings natin ay dapat i-share sa mga taong naging katulad natin noon na nahirapan pero bumabangon at lumalaban,” pagpapatuloy ni Neri sa kanyang mensahe.

Kaya naman, para sa lahat ng mga netizens na dumidiskarte at nagsisipag sa kanilang negosyo ay nagiging siyang isang inspirasyon sa kanila.