Erich Gonzales at Enchong Dee, naging mag-jowa ng isang araw na ikinatuwa ng kanilang mga taga-hanga

Mula pa noon sa kanilang teleserye sa ABS-CBN na Katorse hanggang sa mga sumunod nilang mga pelikula at teleserye, ay talaga namang nakasunod at nakaabang ang mga fans sa tambalang Erich Gonzales at Enchong Dee o “Enrich”.



Credit: ENRICH ORIGINALS Youtube

Kaya naman, hanggang sa digital world ng vlogging ay talagang patuloy pa rin ang pag-arangkada ng kanilang mga nakakakilig na videos sa kanilang Youtube channel na “Enrich Originals”.

Makikita sa video ang kanilang “24 hour Jowa Challenge” na most requested ng mga netizens sa kanila. Umaga pa lang, pumunta na si Enchong sa bahay ni Erich at pinagdalhan siya ng pagkain. Nakakakilig ang kanilang heart to heart talks.

Credit: ENRICH ORIGINALS Youtube

Ilan sa kanilang mga napag usapan ay ang kanilang mga nagustuhan sa isa’t isa. Sagot ni Enchong, ay ang pagiging fighter at maalaga ni Erich. Si Erich naman ay nagustuhan niya ang pagiging maabilidad ni Enchong.

Credit: ENRICH ORIGINALS Youtube



Sabay namang kumain at pinagsaluhan nila ang dalang pagkain ni Enchong. Pagkatapos nito, sabay din silang pumunta sa kanilang trabaho. Napag usapan din nila ang pros at cons na kasama ang jowa sa trabaho.

Maganda daw ito dahil lagi mo siyang makakasama pero sa kabilang banda ay hindi rin dahil maaaring maapektuhan ang trabaho sa personal matters ng dalawa.

Credit: ENRICH ORIGINALS Youtube

Pagkatapos naman ng trabaho, ay magkasama naman silang umuwi sa bahay ni Enchong. Hindi ba’t parang totoong magjowa na silang dalawa.

Marami tuloy netizens na nag wish na sana ay sila na lang daw dalawa sa totoong buhay. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“The secret to long lasting relationship is πŸ’—God and then to spice it up hehe..always say THANK YOU….I LOVE YOU snd Best is Hug your partner alwaysπŸ’—πŸ’—πŸ’—”



Credit: ENRICH ORIGINALS Youtube

“They can actually star the Philippines’ version of Thai movie Friend Zone. The two actors there started out as best of friends and I can’t forget what Palm, the guy, has said. It’s something like ‘Do you think we will last this long if we became a couple during our early years? Of course, not,” and I think it’s really beautiful :>”

“Nakailang ulit ko nang pinanuod eto….ang puso ko ay laging happy kapag pinapanuod ko.buong puso ko kayong pinasasalamatan EnRich…marami kayong napapasayang mga tagahanga nyo….more more vlogs… More power and God Bless EnRich… Love. Love.. Love.😍😍😍”