Sanya Lopez, ipinasilip ang kanyang naipundar na bahay na bunga ng kanyang pagsusumikap at pagtitipid

Ang pangarap na bahay ng aktres na si Sanya Lopez, ay masayang ibinahagi nya sa publiko na kanyang naipundar para sa sarili at sa kanyang pamilya.

Matatandaan na noong Nobyembre ng nakaraang taon ay ibinahagi ni Sanya at ng kanyang kapatid na si Jak Roberto ang kanilang ginawang paghahanap ng bahay at makikita ang pagiging excited ng dala mula sa mga nabili nilang appliances para sa bagong bahay na kanilang titirhan.



Credit: Jak Roberto Youtube

Matagal ng pinangarap ni Sanya ang magkaroon ng sariling bahay at upang matupad ito, binigay ng aktres ang lahat ng kaniyang makakaya upang pagbutihin ang trabaho at ipunin ang pera mula sa kanyang pinagtrabahuhan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sanya Lopez (@sanyalopez) on


Upang makapag-ipon, isinantabi muna ni Sanya ang pamimili ng mamahaling bagay at gamit para makatipid at tanging mahahalagang bagay lamang ang kanyang binibili.

“Pagdating sa pagtitipid hindi ako mahilig lumabas, hindi rin ako mahilig masyadong bumili ng mga bags, ng mga shoes, not unless importante at kailangang kailangan ko talaga,” ayon kay Sandra sa isang panayam sa 24 Oras ng GMA.

Credit: Sanya Lopez Instagram

Naniniwala din si Sanya na malaking factor para sa kanya upang hindi maituloy ang pinapangarap niyang bahay ay ang pagkakaroon ng kasintahan. Kaya naman mas pinili ni Sanya na pagtuunan ng pansin ang pangarap bago ang pagpasok sa isang relasyon.

“Biggest sacr!fice, siguro hindi ko pinriority ang love life,”



Credit: Sanya Lopez Instagram

“Pero feeling ko kasi malaking factor talaga ‘yung love life pagdating sa pag-iipon for me. Kasi siguro kung siningit ko ‘yun, baka hindi ako masyadong focused,”

Sa bagong bahay ngayon ni Sanya, muling binalikan ng aktres ang kaniyang mga pinagdaanan noon habang nakatira pa lamang sa isang apartment kasama ang kanyang personal assistant.

Credit: Sanya Lopez Instagram

“Dati kasi para akong nakatira sa isang maliit na apartment sa may Valenzuela. ‘Yun ay isang room lang tapos paglabas mo nandu’n na lahat, napakaliit, halos hindi kasya ‘yung mga gamit,”

“Nag-decide kaming lumipat sa isang bahay. Ang una naming upa, sa may Tandang Sora, kasama ko po ‘yung PA ko sa room, siguro nagkaroon lang kami ng konting kurtina para lang hindi kami magkita-kita, parang ganu’n lang. So minsan nagtiis din ako sa mga ganon,”



Credit: Sanya Lopez Instagram

Sa kabila ng mga pinagdaanan ni Sanya noon, pinatunayan ng aktres na walang imposible basta’t may pangarap sa buhay at tiyak na matutupad ang lahat ng ito.