Rhea Santos, isang ganap ng news anchor sa Canada at lubos na nagpasalamat sa natanggap na suporta

Nakilala si Rhea Santos na isa sa mga tanyag na Kapuso TV news anchor, magmula sa kanyang ika-19 na taong katapatan sa pagseserbisyo na maipahayag ang mga balitang kalakip sa bansang Pilipinas.



Credit: Rhea Santos Instagram

Makalipas ng kanyang pagseserbisyo, minabuti ni Rhea na lumipad patungong Canada noong nakaraang taon at manirahan doon kasama ang kaniyang pamilya.

Pagdating sa Canada, muling nag-aral si Rhea ng broadcast and online journalism sa British Columbia Institute of Technology.

Credit: Rhea Santos Instagram

Sa kabila ng kasipagan sa naging trabaho noon sa Pilipinas at ang kasalukuyang pag-aaral nya ngayon sa Canada, isang blessing naman ang natanggap ni Rhea matapos maging isang bagong news anchor ng OMNI News Filipino Edition sa Canada.

Credit: Rhea Santos Instagram

“Marking this day that I’m able to do my passion to tell stories that matter to my ‘kababayan’ here in Canada. You will all meet the Filipino team of OMNI News in the coming days. It’s not only Filipinos and Fil-Canadian journalists making this possible. A big part are the Canadians and people of diverse backgrounds whom I’m given the opportunity to work with that make OMNI News Filipino Edition happen.”




Tunay ngang tadhana na mismo ang naglalapit sa kanya, upang ipagpatuloy at matupad ang kanyang pangarap bilang isang tanyag na news anchor.

Sa panibagong yugto ng kaniyang buhay, naging malaki ang pasasalamat ni Rhea sa lahat umalalay at gumabay sa kanya upang maabot ang ganitong posisyon sa kanyang buhay.

Credit: Rhea Santos Instagram

“Di ko pa alam kung paano ko kayo pasasalamatan. Masyado niyo po akong pinasaya sa mga mensahe niyo ng suporta at pagmamahal. Kasama ang buong #OMNIFilipino news team, maraming, maraming salamat sa dasal, sa palakpak, sa pagtanggap, sa patuloy na pagtitiwala. Asahan niyo pong ipagpagpapatuloy namin ang aming serbisyo na makapaghatid ng balita para sa mga Pinoy at Filipino-Canadians. Proud to share my heritage to a country who’s strength are the differences of its people. Di ko man kayo maisa-isa para pasalamatan, please know that your messages inspire and motivate me to do better and be better. Thank you❤️ #gratitude #filipino #pinoy”



Credit: Rhea Santos Instagram

Pinatunayan ni Rhea na kahit pinili man na manirahan sa Canada, mananatili pa rin ang pagiging isang pusong pinoy at ang mga masasayang ala-ala ay kanyang babaunin sa bagong landas na tatahakin.