Coleen Garcia Crawford, inilahad ang dahilan kung bakit nya gustong manganak sa kanilang bahay sa pamamagitan ng water birth

Labis ang excitement na nararamdaman ngayon ng aktor at dancer na si Billy Crawford, para sa nalalapit na pagdating ng kanilang anak ng kanyang asawa na isa ring aktres na si Coleen Garcia-Crawford.



Credit: Coleen Garcia Crawford Instagram

Hindi maipaliwanag ni Billy ang kasiyahan na kanyang nararamdaman ngayon, sa nalalapit na panganganak ni Coleen sa kanilang first baby boy.

Isang mensahe naman ang ibinigay ni Billy na makikita sa kanyang Instagram post ang larawan nila ni Coleen at ang kanyang taos-pusong mensahe para sa kanyang asawa.


“Words can’t express the gratitude I have for this beautiful wife and mom-to-be. Thanks for your sacrifices, patience, love, care, worries, and strength. My only prayer in life is to turn out to be a great father but an even greater husband. I love you my Queen. You are absolutely gorgeous!#myeverything. Exciting next few days to come!”

Sa kabila nito hindi naman naitago ni Coleen ang pangangamba sa kaniyang nalalapit na panganganak dahil sa pandemyang nararanasan ngayon sa bansa.



Credit: BJ Pascual Youtube

“It’s such a unique time na kahit na anong advice ang hingin ko from different mommies, iba pa rin kasi ang time na ‘to. Like right now, we’re praying for a successful home birth. So, we’re not gonna go to a hospital. Mahirap talaga!”

“(But) because of (C0VID-19) they are not doing water births in the hospitals anymore and then like right now actually the dads are not even able to accompany the moms. Sana by then things will loosen up a bit. September pa naman pero right now that’s what happening eh.”

Kaya naman upang mapanatag at maisaalang-alang ang kaniyang magiging panganganak, nagdesisyon sila ni Billy na gawin ang unmedicated water birth sa kanilang tahanan kapag isisilang na ng aktres ang kanilang first baby boy.



Credit: Coleen Garcia Crawford Instagram

“But that’s my plan, to give a water birth here at home, sa master’s bedroom. ‘Di na talaga ako lumabas this whole quarantine season!”

Nakatakdang manganak si Coleen sa kanilang first baby boy sa mga susunod na araw.