Rufa Mae Quinto, nagawa pa ring ituloy ang pagpapagawa ng kanyang bahay sa Pilipinas kahit na sya ay nasa ibang bansa ngayon

Sa kabila ng pandemyang kinakaharap ngayon ng bansa, hindi naman maiwasan ng aktres na si Rufa Mae Quinto ang ma-miss ang Pilipinas matapos tumungo sa San Francisco, California kasama ang kaniyang anak na si Alexandria.



Credit: @rufamaequinto instagram

Nagtungo ang mag-ina noong Pebrero upang ipagdiwang ang ikatlong kaarawan ng kanyang anak at ang selebrasyon ng Valentine’s day.

Ngunit dahil sa nangyaring community quarantine ay hindi nakauwi sila Rufa sa Pilipinas, kaya kasalukuyang naninirahan sila sa California kasama ang kanyang asawa na si Trevor Magallanes.

Credit: @rufamaequinto instagram

“miss ko na ang Pilipinas Kong mahal… gusto man namin umuwi, Wala ako Magagawa Kundi mag extend ng mag extend para sa safety naming mag ina… So I told myself , kahit Anong plan, you will never know, can never tell, what’s going to happen. Mabuti na lang Andito kami sa Asawa ko, @trevvvsilog sama sama. Thanks for taking care of us.”

Credit: @rufamaequinto instagram

Ngunit sa kabila man ng sitwasyon na ito, hindi naman naging hadlang para kay Rufa na ituloy ang bahay na kanyang pinapagawa sa Pilipinas.



Credit: @rufamaequinto instagram

Makikita sa kanyang Instagram post ang ilang mga larawan na kuha mismo sa kanyang ipinapagawang bahay sa Quezon City, na ayon sa kanya ay malapit na umano itong matapos maipagawa.

 

View this post on Instagram

 

Ito yung bahay namin sa Pilipinas na uuwian namin kapag pwede ng umuwi. Imagine habang pandemic , nag papagawa ako ng bahay , habang Andito ako sa malayong lugar, sa America, andyan yang lock down , ✋ stop 🛑 close ,open , ecq, mcq, gcq , etc…. pero sa awa ng Diyos , Pa tapos na ang bahay, naitawid ang Lahat . Kaka miss … pero wait wait Lang… Todo na to! Go go goals 🏡 god will provide amen 🙏 ito din yung katas ng labor of love ❤️ Ito din ang isa sa dahilan Bakit miss na miss ko ang Pilipinas Salamat sa kuya ko @chi_q for doing everything and for planing , he is my contractor o diba ? Family business din kasi namin constructions 🚧 🔨 ! We can do this together yahoo!

A post shared by Rufa Mae Quinto Magallanes (@rufamaequinto) on


“Ito yung bahay namin sa Pilipinas na uuwian namin kapag pwede ng umuwi. Imagine habang pandemic, nag papagawa ako ng bahay, habang Andito ako sa malayong lugar, sa America, andyan yang lock down, stop close, open, ecq, mcq, gcq, etc. pero sa awa ng Diyos, Pa tapos na ang bahay, naitawid ang Lahat. Kaka miss… pero wait wait Lang… Todo na to! Go go goals god will provide amen ito din yung katas ng labor of love. Ito din ang isa sa dahilan Bakit miss na miss ko ang Pilipinas.”

Credit: @rufamaequinto instagram

Malaki din ang naging pasasalamat ni Rufa sa kaniyang Kuya na siyang nagsilbing contractor nito sa ipinapagawa nyang bahay at ibinahagi din ng aktres na construction ang kanilang family business ngayon.



Credit: @rufamaequinto instagram

“Salamat sa kuya ko @chi_q for doing everything and for planing, he is my contractor o diba? Family business din kasi namin constructions 🚧 🔨! We can do this together yahoo!”

Sa kabila man ng pandemya, nananatili pa ring positibo si Rufa na makakauwi din sila kapag ligtas at okay na muli ang magbiyahe pabalik ng Pilipinas.