Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, lubos ang pasasalamat sa suportang natanggap sa kanilang ika-9 na taong anibersaryo bilang isang love team

Sa kabila ng mga krisis na pinagdadaanan ngayon ng bansa, may mga ilan pa rin ang patuloy na lumalaban at nagiging positibo sa kani-kanilang mga buhay na siyang nagsisilbing inspirasyon naman sa mga taong patuloy na umaasa na balang araw ay magiging maayos din ang lahat.



Credit: @bernardokath instagram

Isa sa mga naging inspirasyon at nagbigay pag-asa ngayon para sa karamihan, ay ang real-life couple na isa din sa mga patuloy na sinusubaybayan ng publiko ang Kathniel loveteam, na pinangunahan ng sikat na celebrity ngayon na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Credit: @bernardokath instagram

Nagsimulang makilala ang Kathniel ng sila ay maging loveteam sa isang youth-oriented show, na “Growing Up” noong September 2011 at nagsimulang lumago ang kanilang karera sa showbiz industry ng mabigyan sila ng sunod-sunod na project bilang isang loveteam.

Sa pagdiriwang ng kanilang ika-9 na taon bilang Kathniel loveteam, labis naman ang naging pasasalamat ni Daniel at Kathryn sa walang sawang suporta at pagmamahal na natanggap nila mula sa kanilang mga supporters.

Credit: Min Bernardo Instagram

Ayon kay Daniel, “Happy 9th anniversary at nakakatuwang isipin na siyam na taon na tayong magkakasama, at maraming maraming salamat,”

“Hanggang ngayon ay nandyan pa rin kayo kasama namin ni Kathryn na nagmamahal, pumo-protekta at syempre mga iba sa inyo mga naging kaibigan na rin namin, so thank you very much.”



Credit: @bernardokath instagram

Muli din pinasalamatan ni Kathryn ang kanilang mga taga-hanga.

“Thank you kasi karamihan sa inyo, kasabay namin tumanda yung iba nagkapamilya at nagka anak na, pero still grabe pa rin yung suporta nyo.”

Credit: @bernardokath instagram

“Patuloy na dumadami ang nagiging parte ng pamilya natin. Paulit-ulit namin ‘to sinasabi, pero maraming maraming salamat, lahat ng na-accomplish namin ni DJ ngayon alam nyo na kasama kayo dun.”

“Yung journey natin na ‘to, hindi biro mga pinagdaanan natin, but that made us stronger. So sana marami pa tayong magawa, sana nandyan lang kayo parati,”

Credit: @bernardokath instagram

Sa kabila ng kanilang mga nakamit na tagumpay, labis naman ang ipinakitang suporta ng ina ni Daniel at Kathryn na sina Karla Estrada at Mommy Min Bernardo.




“Good morning to our 9yrs of solid love and support.πŸ™πŸ»β™₯️🀍 Happy 9yrs to all of us KATHNIEL!πŸ‘πŸΌπŸ‘πŸΌπŸ‘πŸΌπŸ’«πŸ’«πŸ’«πŸ™πŸ» THANK YOU GUYS!πŸ™πŸ»β™₯️β™₯️”

 

View this post on Instagram

 

Thank you for 9 wonderful years of love πŸ’™

A post shared by Min Bernardo (@bernardomin) on


“Thank you for 9 wonderful years of love πŸ’™”