Pokwang, ipinaghanda at ipinagluto pa ng pancit ang kanilang kasambahay sa pagdiriwang ng kaarawan nito

Ang mga kasambahay na ating kasa-kasama sa pamumuhay, ay isa sa mga maituturing na parte ng pamilya na siyang gumagabay at umaalalay sa bawat ganap sa loob ng bahay.



Credit: PokLee Cooking Official Youtube

Kaya naman upang pasalamatan at pasiyahin ang isa sa mga kasambahay ng aktres at komedyante na si Pokwang, ipinagdiwang nila ang kaarawan ni Yaya Donna at ipinagluto ito ni Pokwang ng isang masarap na Pancit.

Credit: PokLee Cooking Official Youtube

Bago maganap ang naturang pagdiriwang, hindi naman napigilan ng aktres na maging emosyonal nang maalala ang dati nilang kasambahay na si Yaya Gina na itinuring nilang “The Best Yaya” habang kasama pa nila ito.

Ayon kay Pokwang, 5 buwan pa lamang ang anak niyang si Malia ay ito na ang nagsilbing Yaya ng kaniyang anak hanggang sa lumaki ito.

Credit: PokLee Cooking Official Youtube

Ngunit dahil sa pandemyang nararanasan ngayon sa bansa, mas pinili ni Pokwang na pauwiin ang ilan sa kanilang mga kasambahay at kasama na nga doon si Yaya Gina upang makapiling at makasama ang anak nito.

Ang naging paninilbihan ni Yaya Gina sa kanilang pamilya ay nagsilbing magandang ala-ala, magmula sa pagiging hands-on nito kay Malia at sa tiwala na ibinigay nila Pokwang at partner nito na si Lee O’Brian.



Credit: PokLee Cooking Official Youtube

“We like Gina. Gina is a good yaya. She’s very thoughtful, and very hands-on to Malia. And you know, we can really trust her.”

“She just so focus on taking care of Malia. It really made us feel so comfortable. And it gave us assurance that if we were seeing Malia watching her, atleast we knew she is in good hands being taken care of.”

Credit: PokLee Cooking Official Youtube

Sa kabila nito ay isang masayang selebrasyon naman ang kanilang pinagsaluhan, sa naging pagdiriwang ng kaarawan ni Yaya Donna kasama ang kanilang pamilya at ibang kasambahay.

Credit: PokLee Cooking Official Youtube

Magbibigay naman sayo ng ngiti ang naging reaksyon ni Malia sa naturang pagdiriwang at ng magustuhan nito ang niluto ng kanyang Mama Pokwang na Pancit.

Magmula sa masayang selebrasyon, malaki naman ang naging pasasalamat ni Yaya Donna kay Pokwang at Lee sa ginawa nilang paghahanda, na ayon sa kanya ay ito ay unang beses na naranasan nya ito sa kanyang buhay.



Credit: PokLee Cooking Official Youtube

Talaga namang makikita na hindi lang mapagmahal na ina at kasintahan si Pokwang kundi mapagmahal at maalaga din sa kanyang mga kasambahay.