Vhong Navarro, ipinakita ang kanyang napakaraming koleksyon ng magaganda at mamahaling mga sapatos at damit

Kilala ang Showtime host at Kapamilya actor na si Vhong Navarro, mula sa kanyang kahusayan sa pag-arte at pagiging isang ganap na komedyante sa larangan ng industriya.



Credit: Vhong Navarro Youtube

Mula mga pelikula na kanyang pinagbidahan, patuloy na hinangaan ng publiko si Vhong mula sa kanyang pagiging mapagpakumbaba sa lahat ng mga karangalan at tagumpay na kanyang nakukuha.

Kaya naman hindi na kataka-taka, na sa lahat ng kanyang mga pagsusumikap ay nakapagpundar ang aktor ng bahay para sa kaniyang pamilya.

Credit: Vhong Navarro Youtube

Maliban sa pagiging isang King of the Dance Floor, kinilala rin si Vhong ng publiko bilang “Sapatos King” magmula sa bonggang walk-in closet nito na siyang ibinahagi niya sa kanyang YouTube channel at makikita ang natatanging koleksyon nito ng mga sapatos.

Dahil sa matagal ng nire-request ng kanyang mga tagahanga ito, ay naisipan ni Vhong na ipasilip ang kanyang 2 palapag na koleksyon ng mga sapatos.

Credit: Vhong Navarro Youtube

Magmula pa lamang sa unang palapag ng kanyang mga shoe collection, kamangha-mangha na ang mga naka-display nito na sapatos tulad na lamang ng design na Nickelodeon at Nike collection ng SpongeBob Squarepants, Patrick Star, at Mr. Krabs design.



Credit: Vhong Navarro Youtube

Meron din ang ilang mga Disney at Nintendo shoes na nagmula naman sa mga endorsement shoes ng aktor.

Maliban sa mga ito ay nagpagawa din si Vhong ng mga kakaibang personalized shoes design, na kuha mula sa mga pelikula na kanyang pinagbidahan tulad na lamang ng Gagamboy, Mr. Suave at Agent X44.

Credit: Vhong Navarro Youtube

Mayroon ding mga koleksyon na sapatos ang aktor na nagmula naman sa mga luxury brands tulad ng Alexander Wang, Dior at Louis Vuitton.

Sa huling bahagi ng kanyang walk-in closet tour ay ipinakita din ni Vhong ang mga koleksyon nito na timepieces, eyewear at mga damit na kanyang ginagamit sa trabaho.

Credit: Vhong Navarro Youtube

At ang koleksyon nito ng mga Bear Brick toys, na aabot na sa mahigit 100 piraso na siyang nagsilbing outlet ni Vhong nang mawala ang kanyang ama.

Mula sa kaniyang mga ipinakitang koleksyon, hindi naman napigilan ng mga supporters ni Vhong na mamangha magmula sa mga ito.

“Grabe yung collection! Boy version of heart. Super FASHIONISTA.”



Credit: Vhong Navarro Youtube

“That toy cabinet alone is millions!! Boss Vhong all the way!”

“Wow amazing sobrang dami collection 👏👏👏🤤😱😱😱”