Dimples Romana, pinasyalan ang kanilang bago at napakagandang condo unit na bunga ng kanyang pagsisikap sa trabaho

Tunay nga na ang bawat tagumpay na nakakamit, ay nagmula sa ating pagsusumikap at pagtitiyaga na maisakatuparan ang bawat pangarap na inaasam para sa pamilya.

Credit: Dimples Romana Official Youtube



Kaya naman isang panibagong milestone ang ibinahagi ng aktres sa publiko na si Dimples Romana at asawa nito na si Boyet Ahmee, nang i-upload nito ang naipundar nilang condominium na matatagpuan sa area ng Makati City.

Credit: Dimples Romana Official Youtube

Magmula pa lamang sa kanilang condominium, ay mamangha ka na sa magandang ambiance nito na nagmumula sa kanilang glass window na siyang matatanaw ang kagandahan ng Makati.

Credit: Dimples Romana Official Youtube

Ayon kay Dimples, isa sa mga dahilan kung bakit nagustuhan nila ang napiling property, ay dahil sa natural light nito na nagbibigay ng magandang effect sa tuwing gugustuhin ng sinuman ang magbasa ng libro.

“Wanted to bring a book to read because the natural light in the new place is gorgeous and just gives you the perfect ambiance for reading…”


Magmula sa balak na disenyo at kulay ng kanilang condo ay gusto ni Dimples na maging natural lang ang maging dating nito magmula sa beige, white at bone color na plano nila kapag natapos ng ayusin ang condo.



Credit: Dimples Romana Official Youtube

Ang milestone na ito para kay Dimples ay maituturing na isang pangarap na kanyang nakamit, magmula sa mga pinaghirapan nya noon sa mga naging projects na kanyang pinagtrabahuhan.

Credit: Dimples Romana Official Youtube

“Sa lahat ng close sa akin, they know that for every project that I do, I dedicate my earnings to particular dreams of mine.”

Sa lahat ng ito, hindi naman nakalimutan ni Dimples na pasalamatan ang Panginoon sa lahat ng blessings na kanyang natatanggap hindi lamang para sa kanya kundi para rin sa kanilang pamilya.




“Today’s milestone. Offering this blessing to my Papa in heaven. My grateful heart sings praise for Your unending grace and love Father God. May the weekend bring forth blessings of peace and joy to you and your family! Magandang hapon po sa lahat from me and my love team for life,”