Anne Curtis, abot langit ang saya sa pagdiriwang ng ika-6 months ni baby Dahlia Amelie

Tuwang tuwa nga naman ang lahat nang iluwal ni Anne Curtis ang kanilang supling ni Erwan Heussaff. Talagang napakabilis ng panahon at parang kailan lang noong nanganak si Anne sa kanilang first baby na si Baby Dahlia Amelie.



Credit: Anne Curtis Instagram

Napakacute ni Baby Dahlia at talagang manang mana sa kanyang mga magulang. Napakaganda ng lahi ni Anne at Erwan kaya no doubt ang ganda rin ni Dahlia.

Credit: Anne Curtis Instagram

Ngayong September 2, ay 6 months na si Baby Dahlia. Ang bilis nga naman talaga ng panahon, at ipinagdiwang din ito nila Anne at Erwan.

Credit: Anne Curtis Instagram

Nagpost din si Anne ng napaka heartfelt na mensahe para sa kanyang baby Dahlia.




“I feel like it was just yesterday that I gave birth and held this sweet little girl in my arms for the first time… and just like that, half a year has gone by. Mixed emotions of excitement to seeing her grow and experiencing all her milestones BUT also wanting to keep her as my little baby,” saad ni Anne.

Ayon kay Anne, sobrang excited na excited na siya na makita ang kanyang baby na lumaki. Sa katunayan ay mixed emotions daw ito, dahil gustong gusto niya daw na maging baby pa rin niya ito.

Credit: Erwan Heussaff Instagram

“I guess, now I understand when mums and dads say “you’ll always be my little baby” – because that’s what she’ll always be to me. My little Dahlia Amélie,” dagdag pa niya.

Credit: Erwan Heussaff Instagram

Samantala, si Erwan naman ay nagpost din na nagpapakita ng kanyang beautiful daughter, “A lifetime of smiles in half a year.”



 

View this post on Instagram

 

A lifetime of smiles in half a year.

A post shared by Erwan Heussaff (@erwan) on


Matatandaang noong Marso 2 ay naipanganak ni Anne si Baby Dahlia sa Australia. At dahil dinatnan sila ng lockdown bunsod ng C0vid, ay namalagi na muna sila sa Australia.

Marami naman ang mga netizens na excited din na makita ang paglaki ni Baby Dahlia lalo na sa kanyang magiging 1st birthday sa susunod na taon.