Jak Roberto, sinunod ang lahat ng gusto ng kanyang kapatid na si Sanya Lopez sa isang nakakatawang challenge

Mula sa mga nausong challenge at iba’t-ibang pranks ngayon sa social media, labis naman ang pagkatuwa ng Kapuso actress na si Sanya Lopez, matapos maisipan nila ng kanyang kapatid na si Jak Roberto na gumawa ng “Can’t Say No Challenge”.



Credit: Jak Roberto Youtube

Sa challenge na kanilang ginawa ay naisipan ni Sanya na gawin ito kay Jak, na agad namang sinang-ayunan ng aktor dahil ayon umano sa kanya ay birth month naman ng aktres.

Credit: Jak Roberto Youtube

Ngunit ang naturang challenge ay naging isang pagbawi para kay Sanya, upang maisahan ang kanyang Kuya Jak mula sa mga ginawang pranks nito sa kanya at sa kasintahan ng aktor na si Barbie Forteza.

Kaya naman sa unang bahagi pa lamang ng kanilang challenge, makikita na mga simpleng bagay pa lamang ang pinagawa ni Sanya kay Jak na siya namang hindi pwedeng tanggihan o magsabi ang aktor ng “No”.

Credit: Jak Roberto Youtube

Unang ni-request ni Sanya kay Jak, ang pagbuksan siya ng pinto ng kotse, sumunod naman ay ang utusan itong ilagay ang mga natanggap na regalo mula sa bangko na kanilang pinuntahan at ang mag-palibre ng pagkain sa isang coffee shop.

Sa pag-aakala ni Jak na simple at duon lamang natatapos ang mga ipapagawa ng aktres sa kanya, isang plano naman ang pinaghandaan ni Sanya para dito.



Credit: Jak Roberto Youtube

Upang tuluyang makabawi at masulit ang kanilang challenge, naisipan ni Sanya na painumin at ipa-ubos kay Jak ang natitirang hot sauce nila, na inakala naman ni Jak na basic lang ito para sa kanya.

Credit: Jak Roberto Youtube

Ngunit hindi pa man nauubos ni Jak ang hot sauce, makikita na ang nakakatawang reaksyon ng aktor habang pinipilit ubusin ito.

Credit: Jak Roberto Youtube

Ang sumunod naman na challenge na naisip ni Sanya, na syang naging dahilan naman ng pagiging kabado ni Jak ang ipagupit dito ang kanyang buhok.

Credit: Jak Roberto Youtube

Magmula dito ay makikita ang panghihinayang ng aktor, habang unti-unting ginugupitan ang kanyang buhok na ayon sa kanya ay hindi talaga magandang ideya ang naisip nyang challenge para sa kapatid.

“Wag niyo i-can’t say no challenge ang mga pina-prank niyo.”

Sa pagtatapos ng kanilang challenge, huling ni-request ni Sanya ay ang paglutuan sya ni Jak ng pork steak para sa kanilang dinner.



Credit: Jak Roberto Youtube

Sa kanilang ginawang challenge, makikita na tuluyang nakabawi na talaga si Sanya, magmula sa mga prank na ginawa sa kanya ng kapatid.