Kapatid ni Ivana Alawi na si Hashim, ibinigay ang lahat ng napanalunan nyang 100K na pera sa kanilang nanay

Muling hinamon ng aktres na si Ivana Alawi ang kanyang pamilya, mula sa isang panibagong challenge na kanyang naisipang gawin na mapapanood sa kanyang socmed channel.



Credit: Ivana Alawi Youtube

Matatandaan na gumawa ng isang challenge noon si Ivana ang ‘Last to leave the pool, wins 100k”, na kung saan ay nakasama nya ang kanyang pamilya na nakababad sa swimming pool at maaari lamang magwagi ang siyang pinakahuling umalis sa naturang challenge.

Kaya naman naisipan ni Ivana na gawin ulit ito, ngunit sa pagkakataong iyon ay hindi na sa pool, kundi sa kanilang kitchen naman gagawin ang naturang challenge.

Credit: Ivana Alawi Youtube

Bago simulan ng Alawi Family ang challenge, naisipan ni Ivana na maglagay ng duct tape sa sahig na syang magsisilbing boundary nila kung hanggang saan lang dapat sila pwede umapak.

Sa pagsisimula ng challenge, makikita naman ang kahandaan ni Mona nang dalhin nito ang kaniyang kumot at unan na gagamitin nya sa kanilang kitchen.



Credit: Ivana Alawi Youtube

Muling masisilayan ang pagiging competitive ng Team VanaNa at Team MaAshim, upang mapanalunan ang tumataginting na 100,000 sa kung sino man ang papalarin na manalo sa naturang challenge.

Habang ine-enjoy ng Alawi Family ang kanilang lunch, pasimple namang binalak ni Hashim na bigyan ng ilang basong tubig si Mona upang sa huli ay mauna itong umalis sa kanilang kitchen.

Credit: Ivana Alawi Youtube

Huli na ng ma-realize ni Mona at Ivana ang naging plano ni Hashim, nang magtagumpay ito at una ngang umalis si Mona sa kanilang challenge na agad din namang sinundan ni Mommy Fatima.

Pigil tawa naman ang iyong masasaksihan, nang balakin ni Hashim na gulatin si Ivana habang natutulog ito at makikita ang nakakatawang reaksyon ng aktres matapos syang magulat sa ginawa ng kapatid.

Credit: Ivana Alawi Youtube

Nang hindi na makayanan ni Ivana ang sakit ng kaniyang tiyan dahil sa nakain nitong maasim na cake, naisipan na nitong umalis sa kitchen na agad namang nahuli ni Hashim ng magising ito dahil sa ingay ng pagbalik ni Ivana.

Sa kabila man ng mga ginawang plano ni Hashim, makikita naman ang kaniyang pagmamahal kay Mommy Fatima nang ibigay nito ang buong napanalunan na 100,000 sa ina.



Credit: Ivana Alawi Youtube

Mula sa kanilang challenge, pinatunayan ng Alawi Family na isa man itong katuwaan para sa kanila, mananaig pa din ang kabutihan at pagmamahalan sa kanilang pamilya.