Pokwang, nakatanggap ng samu’t saring surpresa sa kanyang naging kaarawan

Ang komedyante, TV host at isang butihing ilaw ng tahanan na si Marietta Subong o mas kilala bilang si “Mamang” o Pokwang ay masayang ipinagdiwang ang kanyang ika-48 na kaarawan noong August 27 kasama ang kanyang pamilya at mga piling katrabaho sa showbiz.




Sa naging kaarawan ni Pokwang, hindi naman napigilan ng aktres na maging emosyonal sa naging pagbisita ng kanyang partner na si Lee O’Brian at kanyang matalik na kaibigan na si K Brosas sa morning talk show na Chika, BESH kasama ang kanyang mga co-hosts na sina Ria Atayde at Pauleen Luna-Sotto na kasalukuyang mapapanood sa TV5.

Credit: @leeobrian instagram

Isang short video greeting naman ang pinost ni Lee sa kaniyang Instagram account, na kung saan ay nakasama niya ang kanilang cute little girl na si Malia.

“Happiest of birthdays, pangga @itspokwang27! Wishing you all the best this year and especially lots of blessings, happiness and love…”


But wait, there’s more dahil hindi lang diyan natatapos ang masayang kaarawan ni Pokwang, dahil isa namang munting surpresa ang ginawa ng kanyang anak-anakan na si JM Abalos, na kung saan ay nagpadala ito ng isang musician upang kantahan ang aktres ng isang happy birthday song.



Credit: @itspokwang27 instagram

Hindi naman napigilan ni Pokwang na mapa-indak at maaliw sa naturang kanta at tugtog na inialay sa kanya ng @goodbandaph.

“Naaliw lang ako dito sa effort ng anak anakan ko from San francisco USA hahahha thank you nak @jm_jinkyabalos01 and Cristine ❤️🙏🏼 love you… salamat din sa @goodbandaph kaka aliw!!!”


Bukod sa pagiging isang butihing ina at kasintahan, isa ring magandang ehemplo si Pokwang hindi lamang sa karamihan kundi pati na rin sa kanyang mga kaibigan.

Kaya naman isang taos-pusong mensahe ang iniwan ni K Brosas para kay Pokwang, mula sa pagiging isang mabuting ina, anak at kaibigan nito.


“Happy birthday mareng bff @itspokwang27 .. na miss ko na makikain inom SA inyo at makipag harutan kay malia.. wish ko na mag tuloy tuloy Lang blessings sayo dahil super deserve mo lahat yan.. isa kang ehemplo kung pano mag tyaga at mag sikap Mula SA hirap.. napakabuti mong ina at anak at kaibigan.. mahal na mahal kita! (Sensya na SA pic na pa bangs mo hihi) ❤️❤️❤️”



Credit: @itspokwang27 instagram

Ang bawat kabutihan ay may kapalit na kasiyahan kaya naman isang maligayang kaarawan sa’yo, Mamang Pokwang!