Andi Eigenmann, masayang ibinalita ang kanyang muling pagbubuntis kasabay ng kanyang pagbati sa kaarawan ni Philmar Alipayo

Isang magandang balita para sa mga taga-hanga ng aktres na si Andi Eigenmann, ang naging anunsyo niya kanina tungkol sa pagbubuntis nito sa kanilang pangatlong “Happy Islander” ng kaniyang partner na si Philmar Alipayo.



Credit: Happy Islanders Youtube

Masayang inanunsyo ni Andi sa kanyang Socmed channel, ang pagdating ng kanyang pangatlong baby, na kung saan bahagi din ng kaniyang video ang taos-pusong mensahe nito sa naging kaarawan ni Philmar noong August 17.

Credit: Happy Islanders Youtube

“Happy birthday, mahal ko. We miss you so much. I hope we get to go home to the island soon so we can be together again and we can celebrate your birthday together.”

“I’m so happy to be building this amazing family with you and I hope you consider this an amazing gift for you on your birthday.”

Credit: Andi Eigenmann Instagram

Malaki ang naging pasasalamat ni Andi kay Philmar, sa masaya at magandang pagsasama na naranasan nya simula ng makilala at maging parte ito ng kaniyang buhay.

“Again thank you so much, Mahal, for everything. Because of you, I am this happy and I have this wonderful life.”



Credit: Happy Islanders Youtube

Hindi man magkakasama ngayon sila Andi, masayang hinihintay pa din ng aktres, na dumating ang araw na sila ay muling magkakasamang buong pamilya.

“We can’t wait to be back on the island and be complete soon. With you, me, Ellie, Lilo, and our newest Happy Islander on the way.”

Labis naman ang natanggap nilang suporta at pagmamahal, mula sa kanilang mga taga-hanga na nag-iwan ng kanilang maikling mensahe, para sa nalalapit na pagdating ng pangatlong baby nila Andi at Philmar.

“Wow new baby is coming Congrats Andi and Philmar ❤️❤️❤️”

“Praying for you Andi and Philmar to be with each other forever. Can’t wait to see your wedding in Siargao ❤️🙏 Congrats sa bago na namang cute island baby, sana baby boy na.”



Credit: Andi Eigenmann Instagram

“Congrats Andi and Philmar for baby #3 ❤️ So happy to see Andi being contented and inlove with Philmar. God bless you both and your family. Happy Birthday, Philmar 🎂”