Mariel Padilla, ibinahagi ang mga masasayang tagpo sa buhay nila ni Robin Padilla bilang pagdiriwang ng kanilang ika-10 taong anibersaryo na mag-asawa

Noong August 19 ay masayang ipinagdiwang ng celebrity couple, na sina Mariel Rodriguez-Padilla at Robin Padilla ang kanilang 10th wedding anniversary.



Credit: Mariel Padilla Youtube

Matatandaan na nagsimulang pagtagpuin ang kanilang landas, nang maging guest host si Robin sa isang reality show sa ABS-CBN na Wowowee, na kung saan ay isa si Mariel sa co-host ng naturang programa.

Credit: Mariel Padilla Youtube

Matapos nito ay ikinasal sina Robin at Mariel sa Taj Mahal in Agra, India noong August 19, 2010.
Sa pagdiriwang ng kanilang 10th wedding anniversary, ibinahagi ni Mariel sa kanyang socmed channel, ang naudlot nyang plano na mag-renewal of vows para sa kanilang anniversary ni Robin.

“I’m a little sad when I think about it because I had so many things in my mind planned for this anniversary. Actually, in my head for a while, the plan was a renewal of vows,”



Matagal ng plinano ni Mariel na maituloy ang kanilang renewal of vows ni Robin upang ayon sa kanya ay maranasan na ma-ikasal sa isang wedding ceremony at makapag suot ng bridal gown.

Credit: Mariel Padilla Youtube

Ngunit dahil sa pagdating ng kanilang blessing na si Gabriela, hindi natuloy ang planong kasal ni Mariel. “Like I mentioned before, Gabriela is really a surprise. I had no idea that she was coming. In my head we were gonna have this grand, parang wedding because I didn’t get to experience that. I didn’t get to wear a white gown, walk down the aisle and have my family there with me and his family there with him.

Credit: Mariel Padilla Youtube

Hindi man natuloy ang planong pagpapakasal, hindi naman nakalimutan ni Robin na batiin at pasalamatan ang kanyang asawa mula sa kanilang 10 taon na pagsasama.

“Thank you my babe sa 10 taon na pagiging kapitan ng aking barko without your sailing patience matagal na akong na abandoned ship. Maraming maraming salamat @marieltpadilla”

Credit: Mariel Padilla Youtube

“Ipagpatawad mo minahal kita agad. Ipagpatawad mo Magmula noon hanggang ngayon na 10 taon na tayo ay patuloy pa rin kitang iniibig. Ipagpatawad mo kung hihingin ko sa Nagiisang Panginoong maylikha ang marami pang taon sa piling mo para kitay mahalin at ibigin pa.”



Credit: Mariel Padilla Instagram

Nagpasalamat naman si Mariel sa natanggap nitong flowers mula kay Robin para sa kanilang anniversary. “Iba magpa flowers si Sir @robinhoodpadilla,”