Dianne Medina at Rodjun Cruz, handang handa na sa pagdating ng kanilang baby nang ipasilip nila ang napakagandang kwarto nito at mga gagamitin sa hospital

Konting konti na lang at makikita na natin ang baby ng mag-asawang Rodjun Cruz at Dianne Medina. Mula pa noong proposal, kasalan at ngayon sa pagbubuntis ni Dianne ay lagi tayong nakaabang sa kanilang kwento.



Credit: Dianne Medina Youtube

Kaya naman, excited na ang lahat sa pagdating ni Baby Rodolfo Joaquin. Iyan nga naman ang pangalan ng hinihintay nating baby boy nilang dalawa.

Credit: Dianne Medina Youtube

Sobrang prepared talaga ang couple na ito dahil maging ang baby room ay handang handa na. Sa katunayan ay talagang pinagplanuhan at pinaghandaan ang kwartong ito. Mula sa napakagandang wallpaper nito, ay mismong si Rodjun ang nagdikit ng mga ito at nasa 3,000 pesos ang nagastos nila dito.

Credit: Dianne Medina Youtube

Makikita din dito ang favorite spot ni Rodjun na Diaper Changing station. Ginawa ito ng Udeh Furnitures.



Credit: Dianne Medina Youtube

Mayroon din ditong fridge na mula sa thegreatestph at humidifier para ma disinfect ang lugar na mula naman sa
Crane_ph.

Credit: Dianne Medina Youtube

Ayon kay Dianne, sinuportahan talaga nila ang mga online sellers sa paggawa ng kwartong ito. Ganyan nga naman ka-supportive sina Rodjun at Dianne bilang tulong na rin sa ating mga kababayan.

Matapos naman ang baby room tour, ay dinala tayo ni Dianne sa laundry area at dirty kitchen nila. Dito naman ay naglabas si Dianne at talagang makikita ang kanyang pagiging hands on.

Excited naman ang mga netizens sa pagdating ni Baby Rodolfo Joaquin na kitang kita sa kanilang mga komento:

“Your baby are so lucky to have you as his parents💓”

“Rodolfo Joaquin is so lucky to have u as his parents and I can’t wait to see him.Have a safe delivery Mommy Diane💖”



Credit: Dianne Medina Youtube

“Imagine getting a heart from mommy dianne!!❤ Can’t wait to see baby Rodolfo hihi!!”

“I can see in rodjun’s eyes on how excited he is for having a baby boy soon and Dianne also…can’t for your baby boy to come out 😍😍”

“Can’t wait to meet Baby RJD III🥰. I’m such a fan of this couple, esp Ate Diane sobrang ganda nya and super idol ko ever since 😍😭. #RelationshipGoals. More vlogs po please. Thank you, God Bless!”