Melai at Jason Francisco, napasaya ang kanilang mga kasambahay dahil sa surpresang makeover na sila mismo ang gumawa para sa kanila

Bahagi na ng pamilyang pinoy ang mga napakasipag at talagang puno ng dedikasyon na mga kasambahay. Para sa mga magulang at pamilya na talagang busy na at wala ng oras sa mga gawaing bahay, malaking tulong ang ating mga kasambahay sa atin.



Credit: @mrandmrsfrancisco instagram

Kaya naman, deserve na deserve nila ang pagmamahal at pagpapahalaga mula sa kanilang mga amo at pamilya na pinagtatrabahuan. Mula sa tamang sweldo, benefits at siyempre ang pagtrato ng wasto at may respeto.

Pero, sa ating mga Pinoy halos ang turing sa kasambahay ay hindi na iba kundi bahagi na ng pamilya. Gaya na lamang ng mag-asawang Melai Cantiveros at Jason Francisco.

Credit: Melason Official Youtube

Makikita sa kanilang vlog ang kanilang ginawang surprise sa kanilang mga kasambahay na sina Jessa Mae, Maymay at Catherine.

Credit: Melason Official Youtube



At dahil nakakapagod at nakaka stress nga naman ang pagiging isang kasambahay, binigyan muna nila ng restday at isang libreng make over sa kanila.

Si Jeff na kaibigan ni Jason ang nagmakeover sa kanila mula sa kanilang mukha at buhok. Enjoy na enjoy nilang tatlo ang sorpresang ito mula sa kanilang mga amo.

Credit: Melason Official Youtube

Nang matapos na ito, makikita mo nga naman na na refresh at talagang ibang iba ang kanilang awra at ganda.Isang patunay lang ito kung gaano nga ba kaalaga at kamahal nila Melai at Jason ang kanilang mga kasambahay. Ang turing sa kanila ay isa ng ganap na kapamilya.

Narito naman ang mga komento ng mga netizens:

“wow ang galing naman ng melason mg make over sa kanilang kasambahay..ang ganda ganda na nila…i loveu melason….keepsafe everyone..”

“ito gusto na vlog, kompleto ang melason family, ang sayang panoorin”



Credit: @mrandmrsfrancisco instagram

“Good job guys, melai and jason your two girls are growing cuter and lovelier esp. stella…God bless you all Melason family😍”

“OMG 2 more subs 1M na πŸŽ‰πŸŽŠ,stay in love papang strollz and momshie melaiβ™₯️β™₯️β™₯️ GODBLESS πŸ˜‡πŸ˜‡πŸ˜‡”

“I LOVE YOU MELASON! YOU ALWAYS MAKES ME INSPIRE EVERYDAY! πŸ˜‡ GOD BLESS πŸ˜‡”