Zsa Zsa Padilla, ipinakita ang kanyang maganda at napakalawak na bahay sa probinsya na tinawag nyang ‘Casa Esperanza’

Isang masayang probinsya life ang iyong masasaksihan mula sa mala-mansyong tahanan, na ipinasilip ng Divine Diva na si Zsazsa Padilla sa kanyang socmed channel.



Credit: Zsa Zsa Padilla Youtube

Kamangha-manghang modern rustic design, ang makikita mula sa ipinatayo nilang bahay ng kanyang partner na si Architect Conrad Onlao sa Barangay Piis na matatagpuan sa Lucban, Quezon.

Credit: Zsa Zsa Padilla Youtube

Pinangalanan ni Zsazsa ang kanilang munting tahanan bilang Casa Esperanza na ayon sa kanya ay iyon ang pangalan na binigay sa kanya ng kanyang mga magulang.

Credit: Zsa Zsa Padilla Youtube

“To those of you who may not know, Esperanza is the name my parents gave me. I share the same name with my mother, KATING, whom we fondly call Manga. I never saw the beauty of my name until others pointed out that it is Spanish for HOPE. It’s beautiful, right?”

Marso ng taong 2018 ay napagdesisyunan nila Zsazsa at Conrad na ipatayo ang kanilang dream project house sa Lucban na siyang bagong panimula para sa kanilang pamilya.



Credit: Zsa Zsa Padilla Youtube

“This has been a project of ours since March of this year. Architect Conrad has such a great vision for this place—I know… lucky me!!”

“It’s super exciting to see a property develop. When we bought it, it was just untamed land but we relied more on our ‘gut feel’ about the place. We are grateful to build this dream project together…for us, and for our family.#buildingdreams

Credit: Zsa Zsa Padilla Youtube

Pagpasok pa lamang sa kanilang tahanan, sasalubong na sayo ang isang small gravel walkway na magtutungo naman sa kanilang pavilion.

Kapansin-pansin rin ang pagiging modern rustic design ng kanilang bahay magmula sa recycled yakal wood na ginamit sa kanilang glass walls at roofing.

Credit: Zsa Zsa Padilla Youtube

Mula sa kanilang pavilion ay maakit ka naman sa kagandahan ng kanilang swimming pool, na may 5mx25m ang laki at lawak nito na makikita rin ang pinagawa nilang 3 casitas.

Credit: Zsa Zsa Padilla Youtube

Kalapit naman ng kanilang pavilion, makikita naman ang isang lily pond na umano’y special request ni Zsazsa at isang meditation house na matatagpuan sa center part nito.



Credit: Zsa Zsa Padilla Youtube

Sa huling bahagi ng kanyang video, ay sinigurado naman ni Zsazsa sa kanyang mga supporters na ipapakita nya ang iba pang magagandang places na matatagpuan sa loob ng kanilang Casa Esperanza sa susunod na video vlog nito.