Ai-Ai Delas Alas, sobrang natuwa sa ipinakitang kabaitan sa kanya ni Sandara Park

Hindi maitago ang labis na pagkagalak ng aktres at komedyanteng si Ai-Ai Delas Alas, matapos nyang ibahagi sa kanyang socmed account ang naging maikling usapan nila ni Sandara Park o mas kilala bilang si Dara.



Credit: @msaiaidelasalas instagram

Si Sandara ay patuloy na hinangaan ng publiko dahil sa kanyang angking kahusayan sa pagkanta at pagsayaw at nang mapabilang sa dating K-Pop Girl group na 2NE1.

Credit: @darxxi instagram

Bukod pa dito ay matatandaan din na nagsimulang makilala si Dara ng publiko ng siya ay manalo sa Star Circle Quest, at mapabilang sa naging pelikula ni Ai-Ai noong 2004, ang Volta.

Makikita sa ibinahaging larawan ni Ai-Ai, na nag-send ito ng isang Mang Tae nightmare catcher doll kay Sandara, na kung saan ay nagmula ito sa sikat na K-Drama series ngayon na “It’s okay to not be okay”.

 

View this post on Instagram

 

Ok ang ITS OK NOT TO BE OK… ang ganda nila tingnan sa screen 💚

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas) on


Mula dito kapansin-pansin naman ang pagkatuwa ni Ai-Ai nang sumagot sa kanya si Sandara sa naturang mensahe nito.



Credit: @msaiaidelasalas instagram

“Sobrang ang saya saya ko .. kasi follow ko si kim soo hyun nung isang araw .. tapos nakita ko name ni sandara kaya follow ko sya .. kinamusta ko sya nagulat ako sumagot kasi super sikat ma sikat na sya sa korea icon na nga sya .. pero napakabait pa rin na bata .. may opo pa din sumagot .. baby girl salamat sa tsika at salamat napaka bait mo pa ding bata… may GOD BLESS YOU MORE AND MORE .. take care always be safe and i love you baby girl.. sorry sa storbo para kay mang tae doll.. hahaha tawa sya saken ako din bigla oo nga ano ba yan nakita ko kasi kay gabbi garcia natuwa ako … basta thank you sa kabaitan mo @daraxxi”


Mula sa kanilang naging maikling usapan, patunay lang ito na kahit gaano ka-sikat ngayon si Sandara, hindi pa rin mawawala ang pagiging mapagpakumbaba nito at ang pagmamahal mula sa mga taong naging parte ng kanyang buhay.



Credit: @darxxi instagram

Kasalukuyan namang mapapanuod si Sandara sa Korean Talk Show na Video star at Follow Me Review On.