Jillian Ward, ipinasilip ang kanyang pinapagawang bahay na malapit nang matapos

Ang bawat tagumpay ay nagmumula sa sipag, tiyaga at pagsusumikap. Sa pagpupursigi na maabot ang iyong pangarap, unti unti mo na ring natutupad ang mga nais mo pang makamtan sa buhay mula sa iyong mga pangarap maging sa mga materyal na bagay.



Credit: Jillian Ward Instagram

Gaya na lamang ng ating mga iniidolong mga celebrities. Marami sa kanila ang nagmula sa simpleng pamumuhay. At dahil sa kanilang pagtitiwala, sipag at tiyaga ay naabot na nila ang kanilang mga pangarap sa buhay.

Credit: Jillian Ward Instagram

Ang aktres, singer, influencer, endorser at model na si Jillian Ward ay isa sa mga ehemplo ng mga artista na talaga namang ibinuhos ang kanyang kinikita sa showbiz para makapag pagawa ng bahay para sa kanyang pamilya.

Credit: Jillian Ward Instagram

Bunga ng kanyang pagsusumikap ang blessing na ito. Ang bahay na ito ay talagang pinag ipunan at binigyan ng oras at effort ni Jillian para unti unti itong maipatayo.

Ngayon, ipinakita na sa atin ni Jillian ang kanilang pinapatayong bahay. Proud na proud na ipinakita ni Jiliian ang kaniyang bunga ng tagumpay.



Credit: Jillian Ward Instagram

“Another blessing, almost done! Thank you lord for everything.. I’m genuinely so happy and inspired right now. 💗 #soon!!,” saad ni Jillian.

 

View this post on Instagram

 

Another blessing, almost done! Thank you lord for everything.. I’m genuinely so happy and inspired right now. 💗 #soon!!

A post shared by Jillian Ward (@jillian) on


15 years old pa lang si Jillian pero nakapagpundar na siya ng bahay. Napakaganda nito na kahit bata pa lang ay mayroong naipupundar si Jillian mula sa kanyang pag aartista.

Nakilala si Jillian sa kanyang role bilang Gertrudis sa GMA show na ito. Marami ang bilib na bilib sa kanya at talagang hinahangaan siya sa kanyang talento.



Credit: Jillian Ward Instagram

At lahat ng talento, pagsisikap, sipag at tiyaga ay nagbunga na ng isang napakagandang bahay ni Jillian. Isang inspirasyon si Jillian sa bawat kabataan na may kaya tayong gawin basta’t gamitin natn ang ating mga talento sa tamang paraan.

Maging mga netizens ay bumuhos ang kanilang mga komento na nagpaabot ng pagbati sa child star.