Ivana Alawi, sinurpresa ang kapatid na si Mona ng isang napakagandang laptop para sa kanyang kaarawan

Isa na namang successful prank ang ginawa ng aktres na si Ivana Alawi sa kanyang bunsong kapatid na si Mona, na makikitang naging kasama nito ang kanyang Mommy Fatima at kapatid na si Hashim.



Credit: Ivana Alawi Youtube

Sa video na in-upload ni Ivana ay naisipan ni Mona na maglaro ng hide and seek sa kanilang bahay, na syang naging daan naman para sa aktres na i-prank si Mona sa kaarawan nito.

Bago sinimulan ang kanilang laro, ay napagdesisyunan ni Ivana na magbigay ng 30,000, bilang premyo kay Mona kapag nahanap sila nito.

Credit: Ivana Alawi Youtube

Kaya naman nang simulang magbilang ni Mona dahil siya ang naatasang maging seeker, lumabas naman si Ivana, Mommy Fatima at Hashim at tinungo ang kanilang kotse upang magtago sa loob.

Credit: Ivana Alawi Youtube

Sinimulang hanapin ni Mona ang mga ito sa first floor ng kanilang bahay, hanggang sa tinungo nito ang kanilang 2nd floor ngunit hindi niya pa rin natagpuan ang mga ito.



Credit: Ivana Alawi Youtube

Pagdating naman ni Mona sa 3rd floor ay naisipan nila Ivana na umalis at bumili ng pagkain, kaya naman nagdrive-thru ang mga ito bilang pambawi na rin para kay Mona.

Credit: Ivana Alawi Youtube

Ngunit nang mapagtanto ni Mona na wala ang kanyang pamilya sa kanilang bahay, makikita ang pagiging emosyonal nito nang isipin niyang pinagkakatuwaan lang siya ng mga ito lalo na’t kaarawan nya.

Sa pagbalik nila Ivana sa kanilang bahay, agad naman tinawagan ng aktres si Mona upang alamin kung sino na ang nahanap nito.

Credit: Ivana Alawi Youtube

Nang sagutin naman ni Mona ang tawag, agad namang natawa ang aktres pati na rin si Hashim at Mommy Fatima sa naging sagot ni Mona na syang maririnig naman ang kalungkutan mula sa boses nito.

Kaya naman upang tapusin ang prank para kay Mona, agad naman nya pinalabas ito at tuluyan nang umamin na “It’s a prank” lang ang lahat.

Credit: Ivana Alawi Youtube

Bilang isang sweet na Ate kay Mona, naisipan naman ni Ivana na regaluhan ito ng laptop na siyang matagal ng gustong bilhin ng kanyang kapatid para sa school nito at para masimulan na rin ang pagbalik niya sa pagba-vlog.



Credit: Ivana Alawi Youtube

Sa pagtatapos ng video ay isa namang taos pusong mensahe ang iniwan ni Ivana para kay Mona, na syang laking pasasalamat ng aktres dahil sa pagiging mabait at sweet na kapatid ni Mona sa kanya.