Alex Gonzaga, naging ‘Third Wheel’ sa lakad nila kasama ang magkasintahang sina Jake Cuenca at Kylie Verzosa na nagbigay katatawanan sa mga netizens

Muli na namang pinatawa ng aktres na si Alex Gonzaga ang mga netizen mula sa panibagong video na ibinahagi nito sa kanyang socmed channel, na kung saan ay nakasama nya ang isa sa mga sikat na celebrity couple na sina Jake Cuenca at Kylie Verzosa.



Credit: Alex Gonzaga Official Youtube

Sa unang bahagi pa lang ng video ay kapansin-pansin na ang pagiging 3rd wheel ni Alex, nang makasama nya ang magkasintahan sa isang restaurant na kanilang kinainan.

Hindi naman nakaligtas ang celebrity couple sa pagiging kwela at palabiro ni Alex nang simulang gayahin nito ang kanilang endearment na ‘Boo’ at tanungin tungkol sa kanilang relasyon ngayon.

Credit: Alex Gonzaga Official Youtube

Ayon kay Jake, nagsimula ang kanyang paghanga kay Kylie nang makasama nya ito sa isang pelikula na kanilang pinagsamahan at matapat namang inamin ni Kylie na hindi nya agad natipuhan ang aktor dahil sa naging hairstyle nito noon.

Ibinahagi naman ni Kylie na ang petsa ng kaarawan ni Jake (December 31), ang kanilang kino-consider na anniversary dahil ayon sa kanya ay ito raw ang araw na nagsabi si Jake ng “I love you” sa kanya.

Credit: Alex Gonzaga Official Youtube

Kapansin-pansin naman ang sweetness na ipinakita ng magkasintahan habang sila ay kumakain at ang naging pag-aalaga ni Kylie kay Jake ng punasan nito ang pawis ng aktor.



Credit: Alex Gonzaga Official Youtube

Lubos naman ang pasasalamat ni Jake at Kylie kay Alex, nang malaman nila na binayaran na ng aktres ang kanilang mga kinain.

Credit: Alex Gonzaga Official Youtube

Pagdating naman nila sa sumunod na restaurant, ay ibinigay ni Alex ang regalo nitong sando para kay Jake na ayon sa kanya ay isa daw itong Louis Vuitton at kay Kylie naman na isang Gucci na crop top.

Credit: Alex Gonzaga Official Youtube

Masaya namang pinaunlakan ni Jake at Kylie ang kagustuhan ni Alex na kuhaan sila ng picture habang suot-suot ang mga binigay nitong damit sa kanila.

Kasalukuyan namang mapapanuod ngayon ang pelikula na pinagbidahan ni Kylie at Alex na “Love the Way U Lie” na syang nangunguna ngayon sa Netflix Philippines at patuloy na tinatangkilik ng mga manunuod. Narito ang ilan sa mga naging komento ng mga netizens:

“Done watching and I love it 😍😍



Credit: Alex Gonzaga Official Youtube

“Done watching super ganda 😻💘

“Ang ganda ng movie Ate @cathygonzaga 😂 kilig ako 😍 saka nakakatawa ka talaga. 😂👏👏👏