Dominic Ochoa, ipinasilip ang kanyang cozy at relaxing na bahay kasama na rin ang kanyang mga koleksyon ng sasakyan

Maraming sikat na celebrity ngayon ang nagbahagi ng kanilang mga nakamit na tagumpay, na bunga ng kanilang pagsusumikap na marating ang natamong kasikatan.

Isa sa mga celebrity na ito ay ang aktor na si Jose Madrigal Ochoa o mas kilala bilang si Dominic Ochoa, na ipinakita sa publiko ang kanyang mala-vintage na bahay na kanyang ipinatayo 4 na taon na ang nakakaraan.



Credit: Star Magic Youtube

Pagpasok pa lang sa kanilang tahanan ay sasalubong na sa iyo ang mala-vintage design ng kaniyang bahay, magmula sa mga kagamitan tulad ng mga lumang kahoy at lumang kagamitan na isa sa mga hilig ni Dominic itago at pangalagaan.

Credit: Star Magic Youtube

Magmula sa kanilang living room ay makikita naman ang pagiging spacious nito na siyang ipinagawa ng aktor upang makapag relax at makapag pahinga ng maayos ang kanyang mga bisita sa tuwing pupunta ang mga ito.

Katapat naman ng kanilang living room, ay kapansin-pansin naman ang isang lumang cabinet at lumang fan na ayon kay Dominic ay 15 years na umano itong nasa kanya.

Credit: Star Magic Youtube

Mula sa mga decorations ng kanilang wall, ay naisipan rin ng aktor na bumili ng mga paintings mula sa kanyang mga kasamahan at katrabaho sa showbiz na hilig rin ang pagpipinta, upang ayon sa kanya ay masuportahan ang mga ito sa kanilang masterpiece.



Credit: Star Magic Youtube

Upang mas maging productive ang paninirahan ni Dominic at ng kanyang asawa, habang nasailalim ang Metro Manila sa general community quarantine ay napagdesisyunan nilang mag-asawa na magtayo ng isang business sa loob ng kanilang subdivision.

Credit: Star Magic Youtube

“We chose to be productive. Hindi naman pwede ‘yung puro na lang tayo angal kasi hindi naman tayo tutulungan ng Diyos kung hindi natin tutulungan ang ating sarili.”

Ilan sa kanilang mga binebenta ngayon ay mga prutas, dips, ice cream, wagyu at gournment tinapa, na si Dominic mismo ang siyang nagde-deliver.

Credit: Star Magic Youtube

“‘Pag nag-sosocial media kami, it’s more of promoting the products that we’re selling. Pero ito nga, kahit dito-dito lang namin sa’min binebenta, kami po ay nagde-deliver ako mismo nagde-deliver.”

Credit: Star Magic Youtube

Huling ipinakita ni Dominic ang mga koleksyon nitong sasakyan na, 1968 vintage Volkswagen Beetle convertible, isang 1978 Ford Escort, 1995 all-original Range Rover, 2018 Vios Cup car at ang “lucky car” na siyang ginamit ng aktor noong siya ay nasa kolehiyo pa lamang.



Credit: Star Magic Youtube

Magmula sa mga lumang koleksyon nya na ito ay nagbiro pa si Dominic nang sabihin nitong isa ang kanyang mga sasakyan sa pinagseselosan umano ng kanyang asawa.