Derek Ramsay, masayang ipinakita ang kanyang napakalaking bahay na mala-Resort sa ganda ng lugar at mamahaling kagamitan

Mula sa mga mala-mansyon na bahay ng mga celebrity, hindi naman nagpahuli ang aktor na si Derek Ramsey ng ipakita nito ang kanyang modern-resort type na bahay na matatagpuan sa Alabang.



Credit: GMA Public Affairs Youtube

Marso ngayong taon ay binalak ni Derek na tapusin ang construction ng kanyang bahay, ngunit dahil sa pandemyang nararanasan ngayon ng bansa, halos umabot na ng 5 buwan bago matapos ito.

Credit: GMA Public Affairs Youtube

Makikita sa panayam kay Derek sa morning show nito na Unang Hirit na syang mapapanuod ngayon sa GMA-7, ay ipinakita ng aktor ang mala-resort nitong tahanan sa publiko.

Credit: GMA Public Affairs Youtube

Ayon kay Derek, ang girlfriend nyang si Andrea Torres ang isa sa dahilan umano nang sinimulan nyang ipatayo ang kanyang bahay.



Credit: GMA Public Affairs Youtube

“Most definitely that’s why I work so hard to get this place done. She was the big part of it.”

Mula sa bahay na ipinatayo ni Derek ay kamangha-mangha naman ang kagandahan nito, magmula sa paintings na nakasabit sa kanilang walls pati na rin ang art pieces na makikita sa mga kagamitan ng aktor.

Credit: GMA Public Affairs Youtube

Sunod naman ipinakita ni Derek ang swimming pool, na syang makikita namah agad pagpasok pa lamang ng kanilang bahay magmula sa mga harang nito na glass windows.

Credit: GMA Public Affairs Youtube

Magmula naman sa 6 bedrooms na pinagawa ng aktor, isa sa mga ito ay ang kwarto na pinagawa ni Derek para sa kanyang mga magulang na kung saan ay kanya namang napilit ang mga ito na manirahan kasama nya.



Credit: GMA Public Affairs Youtube

“Finally, na-convince ko na rin silang tumira sa bahay ko. They have been living sa Tagaytay and I want them na sa bahay ko na tumira para mas malapit ako sa kanila. I gave them a very big room and they have the best view of the house. Makikita nila agad ang swimming pool sa labas ng room nila.”

Hindi rin naman nakalimutan ni Derek na magpalagay din ng kwarto para sa kanyang anak na si Austin kung sakali man na bumisita ito sa kanya.

Marami man ang kakulangan at hindi pa nasasa-ayos sa maging kwarto ni Derek, ay hindi naman ito naging hadlang sa aktor upang unahin at isipin ang kapakanan ng kanyang pamilya mula sa mala-mansyon na bahay nito.