Enchong Dee, sinilip at napabilib sa astig at napakagandang sasakyan ni Jake Cuenca

Nakilala ang aktor na si Jake Cuenca, mula sa kanyang kahusayan sa pag-arte mula sa mga teleserye at pelikula na kanyang pinagbidahan tulad na lamang ng Palos, Tayong Dalawa, Green Rose at marami pang iba.



Credit: Enchong Dee Youtube

Mula sa kanyang mga naging project sa ABS-CBN Network, ay talaga namang ibinigay ni Jake ang kanyang taos pusong pagganap mula sa iba’t-ibang karakter na natanggap niya sa kanyang trabaho bilang isang artista.

Kaya naman muling pinahanga ng aktor ang maraming netizen, mula sa kanyang magarang sasakyan na ayon sa kanya ay nagsilbing “project” nila ngayon ng kanyang daddy.

Credit: Enchong Dee Youtube

Mula sa video na in-upload ng aktor na si Enchong Dee sa kanyang socmed channel, ay naisipan nito na i-car raid ang Jeep Wrangler Rubicon Call of Duty Edition na sasakyan, na pagmamay-ari mismo ni Jake.

Makikita pa lang sa Jeep Wrangler ng aktor na talaga namang pinagkagastusan ito mula sa wheels, lights, tires, sides, bumper at kapansin-pansin rin naman ang lifting ng kanyang sasaktan dahil gusto umano ni Jake na magmukha itong aggressive.

Credit: Enchong Dee Youtube

Ayon kay Jake, isang magandang bonding para sa kanilang pamilya, lalo na sa kanyang Daddy ang pagkakaroon nila ng project na may kinalaman sa sasakyan, sa kung paano ang magiging set-up nito at kung ano ang mas babagay para dito.



Credit: Enchong Dee Youtube

Ang pagkakaroon ni Jake ng isang Jeep Wrangler, ay maituturing na magandang investment dahil bukod sa ito ay sulit, wala din umanong naging problema magmula sa basic parts ng kanyang sasakyan simula ng gamitin nya ito.

Credit: Enchong Dee Youtube

Makikita naman ang panghihinayang ng aktor nang maibahagi nya kay Enchong, na may nagbalak umanong bumili ang kanyang sasakyan na twice the price ang naging offer sa kanya noon, na agad naman nyang tinanggihan.

Sa pagtatapos ng kanilang video ay nag-iwan naman si Jake ng advise para sa mga gustong bumili ng kotse, na ayon sa kanya ay mas mahalaga pa din ang pagiging praktikal lalo na sa pinagdadaanan ngayong ng bansa.



Credit: Enchong Dee Youtube

Bukod kay Jake ay may mga sikat din na artista ang nahilig rin naman sa pagkakaroon ng Jeep Wrangler tulad na lamang nina Sam Milby, Zanjoe Marudo, at Rayver Cruz.