Richard Gomez, ipinakita kung paano mag-harvest ng honey sa kanya mismong bakuran

Bukod sa pagiging isang huwarang public servant ng Ormoc City, ay hinangaan naman ang isang magaling na aktor at isa ng Mayor ngayon na si Richard Gomez mula sa pagkakaroon nito ng malawak na organic farm sa kaniyang munting tahanan.



Credit: Richard Gomez Youtube

Maliban sa mga tanim ni Richard na organic fruits at vegetables ay ibinahagi din nito ang pagkakaroon ng honey bee farm sa likod na bahagi ng kaniyang bahay.

“We have beehives here. The bees are very active now kasi maganda ‘yung araw. It’s summer and the bees are working. Itong honey na ‘to, galing ‘to dito sa mga beehives ko.”

Credit: Richard Gomez Youtube

Ang ‘Precious Honey’ na kanilang hinarvest, ay isa mga naisip na gawing pang regalo ng kanyang asawa na si Lucy Torres-Gomez para sa kanilang mga kaibigan at kakilala.

Sa video na in-upload ni Richard sa kanyang YouTube channel, ay ipinakita ng aktor ang step by step processed kung paano i-extract ang honey sa tulong ng kanyang beekeeper na sina Maricris at Gerhard.

Credit: Richard Gomez Youtube

Para sa unang step ay gumamit ng smoker si Gerhard, upang sa pagkuha ng mga honeycomb ay hindi maging aggressive ang mga bees ayon kay Richard.

Matapos makuha ang mga honeycomb ay sinimulan nang i-uncap ang mga ito, para sa kanilang gagawing extraction gamit ang centrifugal extractor upang hindi masira ang mga honeycombs.



Credit: Richard Gomez Youtube

Sunod naman nilang ginamitan ito ng honey refractometer, na kung saan dito malalaman ang water content ng honey kung ito ba ay puro o hindi.

Credit: Richard Gomez Youtube

Bago mailagay ang honey sa mga sterilized bottles, ay kanilang isinala ito upang maalis ang mga impurities na nakuha mula sa honeycomb.

Matapos ang naturang process ay ipinakita naman ni Richard, ang naging finish product at ang gift box na si Lucy mismo ang nagdisenyo kasama ang isang sweet note na makikita sa loob nito.



Credit: Richard Gomez Youtube

“On a sweet note, between two people in love, HONEY is a favorite term of endearment, maybe because honey never spoils or goes rancid. Perhaps its acidity, its lack of water and the presence of hydrogen peroxide work synergistically in perfect harmony, allowing this naturally sweet, sticky treat to last forever.”