Erich Gonzales, ipinasilip ang kanyang napakagandang bahay na bunga ng kanyang pagsisikap sa trabaho

Maraming house tour ang makikita natin sa iba’t ibang mga vlogs lalo na sa mga vlog ng mga iniidolo nating mga showbiz personalities. Marami talaga ang nag rerequest nito lalo na at curious at nais talaga nilang malaman kung ano nga ba ang dating ng mga bahay ng mga iniidolo nilang mga artista.



Credit: Erich Gonzales Youtube

Isa sa mga nagpakita ng kanyang bahay sa kanyang vlog ay ang aktres na si Erich Gonzales.

Sa una pa lang, bubungad na sa atin ang napaka eleganteng Living Room. Nangingibabaw ang pagiging minimalist nito at may plain white na pader. Bagay na bagay ito sa Gray na kurtina at mga sofa at TV.

Credit: Erich Gonzales Youtube

Ang bahay ay may 3 bedrooms para sa kanila. Pagakyat, makikita ang isa pang table ba may mga bulaklak at 2 seater reclinement sofa. Sa dining area naman, mayroon itong brown table na may 6 seats.

Credit: Erich Gonzales Youtube

Mahilig sa halaman sina Erich, kaya naman sa lanai ay nakaka refresh talagang magstay dahil puno ito ng mga halaman at napakagandang view.



Credit: Erich Gonzales Youtube

Ipinasilip din ni Erich ang dirty kitchen, kwarto ng kasambahay at laundry area.

Sa garage, may makikitang dalawang SUV at van. May bakante pang isa dahil pang apat ang kapasidad nito. Sa garden naman na ipinasalip na dati ni Erich, ay makikita ang napakaraming mga halaman.

Credit: Erich Gonzales Youtube

Anim na taon na rin daw ang kanilang bahay. Masaya si Erich dito dahil dito ay napaka nature friendly at talagang hilig ito ni Erich.

Kaya naman, hangang hanga naman ang mga netizens dahil dito.

“ganda ng house, simple pero maganda like you 😊 Sana manalo ako sa paggive away mo sa 24. Pabirthday ko lang po sa anak kong mag 8 yrs old this august 22. Thank you po and god bless you and your family. 😊

“Hi Ate Erich hehe mapapa sana all ka nalang talaga eh. Pero thank you po kasi you inspired me a lot po kaya pagbubutihin ko din po tulad nyo and mag se save para po soon magka ganyan na din po kami. Keep safe ate Erich❤️



Credit: Erich Gonzales Youtube

“Ganda tlaga ng bahay para lang mkikita sa sarili mo idol…simple but elegant…love u idol..”

“I love your video always ate Erich it’s makes me calm and so aesthetic 😘😘

“Ganda tlaga ng bahay para lang mkikita sa sarili mo idol…simple but elegant…love u idol..”