Andi Eigenmann, ipinasilip ang unang parte ng masayang birthday celebration ng kanyang anak na si Lilo kung saan sya mismo ang gumawa ng cake para dito

Mula sa masayang 1st birthday celebration ni Baby Lilo na anak ng aktres na si Andi Eigenmann kay Philmar Alipayo, ay ibinahagi ni Andi ang naging behind-the-scene sa naganap na selebrasyon nito noong July 23.



Credit: Happy Islanders Youtube

Sa kanilang pagdating sa Manila, idinetalye ni Andi ang naging plano nila una pa lamang para sa kaarawan ni Baby Lilo ang magkaroon ng isang ‘Zero Waste Birthday Party’ sa isla.

Ngunit dahil sa kanilang sitwasyon ngayon, sinigurado pa din ni Andi na magiging eco-friendly ang naturang simple celebration ni Baby Lilo kasama ang kanilang family at relatives.

Credit: Happy Islanders Youtube

“But what we will still be doing, even if we are only be doing a small celebration, we still want to make sure that the party, the celebration will be as – will have as little waste as possible. If we can achieve a zero waste here in Manila, we would definitely be so proud on ourselves,”

Hindi magiging masaya at exciting ang isang birthday celebration kung wala ang birthday cake, kaya naman gumawa si Andi ng isang healthy Double Chocolate Banana cake with vanilla cream frosting kasama ang panganay nyang anak na si Ellie.

Credit: Happy Islanders Youtube



Naisipan ni Andi na gawin ito para kay Baby Lilo dahil bukod sa first time nitong makakain ng chocolate, gusto rin nyang ma-enjoy at maging masaya ang kanyang anak sa kaarawan nito.

Credit: Happy Islanders Youtube

Matapos ang birthday cake, sunod naman ipinakita ni Andi ang kanilang naging paghahanda sa naganap na birthday shoot para kay Baby Lilo, na kung saan ay mapapansin ang native-flowery design na set-up na makikita mula sa background.

Malaki naman ang pasasalamat ni Andi mula sa mga taong tumulong sa kanila na maisakatuparan ang kaniyang inihandang selebrasyon para kay Baby Lilo mula set design, sa outfit nito hanggang sa niceprint photo na kumuha ng kanilang magagandang larawan.



Credit: Happy Islanders Youtube

Makikita naman na talagang natuwa at in-enjoy ni Baby Lilo ang cake na ginawa ng kanyang Mommy Andi at Ate Ellie pati na rin ang naging photoshoot nito na kung saan ay makikitang sumasayaw si Baby Lilo habang kasama ang kanyang Ate Ellie.

Hindi man nakasama sa selebrasyon si Philmar, ay sinigurado naman ni Andi na naging masaya at memorable ang naganap na 1st birthday celebration ni Baby Lilo.