Scarlet Snow Belo, enjoy na enjoy sa bonding moments kasama ang kanyang mga magulang na sina Doc Hayden Kho at Doc Vicki Belo

Maraming netizens ang talaga namang tuwang tuwa at nagagandahan sa anak ng loving couple na sina Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho. Ito ay walang iba kundi si Scarlet Snow Belo.

Credit: @scarletsnowbelo instagram



Talaga namang manang mana si Scarlet sa kanyang mga magulang. Kaya naman, marami talaga ang bilib na bilib sa kanyang ganda.

Sa isang IG video na pinost ni Scarlet, makikita ang mag-ina na busy sa kanilang bonding. Mother and daughter na tila papalit palit sila ng kanilang mga outfit.

Credit: @scarletsnowbelo instagram

Makikita na nagsimula ito sa pajama, hanggang sa casual clothes, gowns at magagarbong mga damit.

Credit: @scarletsnowbelo instagram

“Daddy will join us next time.👍🏻 Thank you @littlemisslaceyph for our outfits!!!,” saad naman ni Scarlet sa post nito sa IG.



 

View this post on Instagram

 

Daddy will join us next time.👍🏻 Thank you @littlemisslaceyph for our outfits!!!

A post shared by Scarlet Snow Belo (@scarletsnowbelo) on


Mukhang mas maganda nga naman ito kung kumpleto sila at kasama si Hayden kaya naman next time daw ay sasama na ito.

Mas makikita mo nga naman silang dalawa na talagang napaka cute dahil sa mga damit na suot nilang mag-ina.

Samantala, nakakainspire din naman ang iba pang mga IG Posts ni Scarlet na nagbibigay ng hope at positivity sa bawat umaga.

Credit: @scarletsnowbelo instagram

“Gooood morning, peoples! Remember to stay positive! Always look at the bright side! And don’t forget to do something good for another person today. Someone might be needing a hug or an encouragement (oh, wait, no hugs! Maybe a virtual hug?)” talaga nga naman na siya ang nagiging ray of sunshine sa karamihan,” saad ni Scarlet sa kanyang IG.

Ibinahagi naman sa atin ni Scarlet ang kanyang saya at labis na pagkatuto sa home schooling.




“I’m really loving homeschool. I used to not be good at math (and daddy also used to not be good in teaching math) but now I’ve gotten a lot better,” sambit naman niya sa kanyang homeschooling sa Math.

Ayon pa kay Scarlet, si Hayden ang kanyang nakakasama sa kanyang pag-aaral na talagang na-eenjoy niya.