Mariel Padilla, ibinahagi kung gaano kasimple pumili ng gamit ang asawa nyang si Robin

Isa sa mga katangian na masasabi mo nga namang dapat nating taglayin ay ang pagiging simple sa ating mga buhay. Mas masarap nga namang mamuhay sa buhay na payak at simple.

Mayaman man o may kaya sa buhay, walang masama sa simpleng buhay. Anumang antas ng ating buhay, ang mas mahalaga ay alam natin kung paano nga ba tayo mamuhay ng payak at simple.



Credit: Mariel Padilla Instagram

Isa sa mga batayan ng payak na pamumuhay ay ang ating mga sinusuot na damit, mga gamit o sa mismong pagkilos. Wala naman ding masama sa pagbili ng mga
mamahaling gamit o damit hanggat kaya nating bilhin ito base sa ating kapasidad at kakayahan.

Sa isang post ni Mariel, makikita ang kanyang post na ikinuwento niya ang kanyang asawang si Robin Padilla. Ayon sa post, nasira ang tsinelas ni Robin. Dahil dito, nagpabili si Robin kay Mariel ng bagong tsinelas.

Pero, imbis na mga mamahaling tatak at mga kilalang brands ang ipapabili ay nagpabili ito ng simpleng tsinelas na gawa ng Islander.

Credit: Mariel Padilla Instagram

“Yung asawa kong simple… nasira slippers niya… yan pinabile niya 💕 hindi nike hindi adidas… islander 😊,” saad ni Mariel sa kanyang IG.



Credit: Mariel Padilla Instagram

Nakakabilib nga naman ang ganitong klase ng personalidad. Imbis na maging magarbo sa mga gamit at damit, iba ang mindset ni Idol Robin na talaga namang napakahumble.

 

View this post on Instagram

 

Yung asawa kong simple… nasira slippers niya… yan pinabile niya 💕 hindi nike hindi adidas… islander 😊

A post shared by mariel padilla (@marieltpadilla) on


Marami ding mga netizens ang tuwang tuwa at bilib na bilib kay Robin Padilla dahil sa kanyang pagiging simple. Mula pa man din noon nang siya ay pumasok sa showbiz, tatak na ni Robin sa industriya ang pagiging simple.



Credit: Mariel Padilla Instagram

Bagamat malakas ang dating ni Robin, pagdating sa kanyang pakikitungo at personalidad ay napaka simple talaga nito.

Samantala, masayang masaya naman si Mariel at Robin sa kanilang pamilya at lalong lumalalim ang kanilang pagsasama.