Ivana Alawi, sinubukan maging ina sa loob ng isang araw habang inaalagaan ang kanyang pamangkin

Nakilala ang sikat na aktres at vlogger na si Ivana Alawi mula sa kanyang mga ginawa na prank at challenges na talaga namang inaabangan ng maraming netizen ngayon.

Ngunit kahapon, August 14 ay kakaibang Ivana ang iyong makikita mula sa video na kanyang in-upload, na kung saan sya ay naging isang “Mama for a day”.



Credit: Ivana Alawi Youtube

Bukod sa kanyang kapatid na si Hashim at Mona ay mayroong pang nakatatandang kapatid si Ivana, na si Amira Alawi at ang anak nito na si Baby Gabriel ang siyang naisipan ng aktres na i-baby sit ito sa loob ng isang araw.

Sa unang bahagi ng video ay talaga namang panggigigilan mo ang cuteness ni Baby Gabriel ng ipakilala ito ni Ivana at magpanggap bilang mommy nito.

Credit: Ivana Alawi Youtube

Makikita naman na tila’y hindi natutuwa si Baby Gabriel sa ginagawa sa kanya ng kanyang Tita Ivana noong simula, ngunit agad naman sila nagkasundo nang patuloy aliwin ng aktres si Baby Gabriel habang karga ito.

Matatawa ka naman sa naging reaksyon ni Baby Gabriel, ng kantahan sya ng kanyang Tita Ivana ng nursery songs at tila’y napatitig ito sa kanya na ayon kay Ivana ay ito pa lang daw ang nakaka-appreciate ng kanyang boses.

Credit: Ivana Alawi Youtube

Inihalintulad naman ni Ivana si Baby Gabriel sa isang uod, dahil sa pagiging maliksi at makulit nito na makikitang nahirapan ang aktres sa pag-aalaga sa kanyang pamangkin.

Nakakatawang scenario naman ang iyong masasaksihan, habang ine-enjoy ni Baby Gabriel ang pagduyan sa kanya ng kanyang Tita Ivana at naging emosyonal naman si Baby Gabriel ng biglang mag vocalization at bumirit ang kanyang Tita Ivana habang sila ay naglalaro.



Credit: Ivana Alawi Youtube

Sa huling bahagi ng video ay pinasalamatan ni Ivana ang kanyang Ate Amira, sa pagpayag nitong hiramin si Baby Gabriel at isang mensahe naman ang iniwang ng aktres para sa mga single mom na patuloy lumalaban at tinataguyod mag-isa ang kanilang pamilya sa hirap man o sa ginhawa.

Narito naman ang ilan sa mga naging komento ng mga netizens:

“Thank you my Ivana. I’m also a single mom. All praises to your Ate! Truly, every child is a blessing. God bless.”



Credit: Ivana Alawi Youtube

“Totoo yung sinabi ni ate Ivana na ang hirap maging single mom. Im 19 and a single mom too!❤ mahirap pero kakayanin! Aja! So to all my fellow single moms out there, i salute you and we well get through this! God Bless”