Sharon Cuneta, ipinaramdam sa isang mensahe ang sobrang pagmamahal sa anak na si KC at siniguradong lagi syang andyan para sa kanya

Isang madamdaming panayam ang naganap sa aktres na si KC Concepcion, matapos siyang maimbitahan sa isang reality show sa TV5 na Usapang Real Life ni Luchi Cruz-Valdes.



Credit: @reallysharoncuneta instagram

Hindi napigilang maging emosyonal ni KC, ng mapag-usapan nila ni Luchi ang pagkakaroon ng kani-kaniyang pamilya ng kanyang ama na si Gabby Concepcion at kanyang ina na si Sharon Cuneta.

Credit: @reallysharoncuneta instagram

“Mama ko kasi, she has her own family. My papa also has his own family. They’re both married, they both have children with their husbands and their wives,”


Inamin ng aktres na hindi naging madali para sa kaniya ang mga pinagdadaanan lalo na’t gusto niyang maging proud ang kanyang magulang sa kanya.

“Ako lang kasi yung nag-iisang anak nila na silang dalawa, so meron akong complex na gusto ko silang gawing proud sa akin.”

“Gusto ko may mga gagawin na ikaka-proud nila. Gusto ko lang na maging proud sa akin.”



Credit: @itskcconcepcion instagram

Sa kabila ng pagiging emosyonal ni KC, ay isa namang taos-pusong mensahe ang sinabi ni Sharon sa Instagram patungkol sa naganap na panayam ng kanyang anak.

“You are not alone. If anything, there’s more of us on both sides for you!

“Still…I feel you anak. Mija. Our baby girl. Kristina Concepcion”

Credit: @reallysharoncuneta instagram

Bilang isang ina katulad ni Sharon, hindi maitatago ang kanyang pag-aalala at ang pagiging protective mom nito kay KC na ayon sa kanya ay kung pwede lang maibalik ang lahat ng nangyari noon ay po-protektahan pa rin niya ang kanyang anak mula dito.

 

View this post on Instagram

 

My eldest, this baby girl, should never have been made to feel alone…She didn’t choose to be born into a family that started out with so much love only to be broken apart into a million pieces, like her mother’s heart…If I could…I would turn back the clock, and though I know the break-up still would have happened, I would try to shield her innocence from time…But the part of life I gave her isn’t mine…Yet I would…If only I could…Once, we were a family. And in a sense, whether we – or they – like it or not, we three still always will be, my Maria Kristina Cassandra Cuneta Concepcion. Papa and Mama will love you forever. You will always be our first child, the first who made us parents. If you’d had a brother, did you know your Papi would’ve named him Gavin? And your Mama of course, would’ve insisted on another name or two for him. Just like you.💖 I forget how many of you we planned to have. But I wouldn’t have minded having 5 more like you.😊You are not alone. If anything, there’s more of us on both sides for you! Still…I feel you anak. Mija. Our baby girl. @itskcconcepcion

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta) on


“She didn’t choose to be born into a family that started out with so much love only to be broken apart into a million pieces, like her mother’s heart…”

“If I could…I would turn back the clock, and though I know the break-up still would have happened, I would try to shield her innocence from time…”



Credit: @reallysharoncuneta instagram

Kalakip ng post ni Sharon ang isang lumang larawan nila ng kanyang dating asawa na si Gabby habang karga ang baby pa lang noon na si KC at makikitang hindi man naging sang-ayon ang tadhana sa kanilang pagsasama noon ay makikita pa din minsang naging masaya silang pamilya.

“Papa and Mama will love you forever. You will always be our first child, the first who made us parents.”