Marian Rivera, ibinahagi ang mga napakacute na larawan ng kanyang anak na si Ziggy kasabay ng kanyang naging birthday celebration

Isang simpleng selebrasyon ang idinaos ng celebrity mom na si Marian Rivera-Dantes kasama ang kanyang asawa na si Dindong Dantes at kanilang mga anak na si Zia at Ziggy.

Lubos naman ang pasasalamat ni Marian sa natanggap nyang pagbati mula sa kaniyang mga kaibigan sa showbiz pati na rin ang mga sumusuporta sa kanya.



Credit: @marianrivera instagram

“As I turn another year older, l’m reminded of how the simplest things can mean the most. I’m grateful to be spending this day with my family and my only birthday wish is that all of you are safe and healthy. Let’s continue to pray and help each other. Thank you so much for all your birthday greetings!”

Hindi naman nagpahuli si Dingdong na alalahanin ang kaarawan ni Marian, sa pamamagitan ng picture na pinost nito sa Instagram at mapapansing walang caption na inilagay ito sa naturang post ngunit makikita ang mensahe na nais nyang ipabatid sa asawa na syang makikita sa mismong larawan.

Credit: @dongdantes instgram

Bahagi ng ika-36 birthday celebration ni Marian, ay nagpost ang aktres ng isang masayang family picture sa kanyang Instagram account na makikitang buhat nito si Ziggy at si Zia na buhat naman ng kanyang Daddy Dingdong.



Isa namang cute solo pictures ni Baby Ziggy ang ibinahagi rin ni Marian, na kung saan ay makikitang nakasuot ito ng isang Blue denim shirt habang nakaupo sa kanilang chaise lounge chair.

 

View this post on Instagram

 

Ay sus… My sweet liitle boy! 😍#JoseSixtoIV

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes 🇵🇭 (@marianrivera) on


“Ay sus… My sweet liitle boy! 😍#JoseSixtoIV

Mula sa cuteness ni Baby Ziggy ay bumuhos din naman ang mga papuri at kumento, mula sa mga kaibigan ni Marian sa showbiz at sa mga supporters nito na talaga namang na-inlove sa kagwapuhan ni Baby Ziggy.

“Soooo handsome!!!! 



Credit: @marianrivera instagram

“Inaanak ko yan!!! 👏 Hello handsome! 

“Ang pogi talaga baby Ziggy. 

Isinilang ni Marian si Baby Ziggy noong April 16, 2019 at pinangalanan ito bilang si Jose Sixto “Ziggy” Dantes IV na kasunod sa pangalan ng kanyang Daddy Dingong na Jose Sixto Dantes III.