Malia at Tali, sobrang cute na nagkamustahan sa isa’t isa online na ibinahagi mismo ni Pokwang sa kanyang socmed account

Dalawa sa mga sikat na kids internet sensation ngayon na talaga namang inaabangan at hinahangaan ng publiko mula sa kanilang cuteness at bibong personality na sina Malia O’Brian at Talitha Maria Sotto.



Credit: @itspokwang27 instagram

Si Malia O’Brian ay anak ng aktres na si Pokwang, sa kanyang partner na si Lee O’Brian na kanyang isinilang noong January 18, 2018.

Credit: @malia_obrian instagram

Samantalang si Talitha Maria Sotto naman ay anak din ng isang aktres na si Pauleen Luna-Sotto sa kanyang asawa na si Vic Sotto na kanya namang isinilang noong November 6, 2017.

Credit: @pauleenlunasotto instagram

Isa namang video ang ibinahagi ni Pokwang sa kanyang Instagram account at makikita ang naging pagbati ni Malia at Tali sa isa’t-isa.



Makikitang tila’y nagkakahiyaan pa si Malia at Tali habang may kani-kaniyang ginagawa sa kanilang naging video call.

Credit: @itspokwang27 instagram

Makikita sa video na naka-alalay ang dalawang celebrity mom sa kanilang mga anak, habang sinasabi ni Pauleen kay Tali na “Say Hi Malia!” At si Pokwang naman kay Malia na “Say Hi Tali!”

Isa namang taos-pusong mensahe ang iniwan ni Pokwang sa dalawang chikiting na makikita sa kanyang naging caption.


“Goodmorning my loves ❤️❤️❤️ lumiit man ang mundo nyo mga batang paslit dahil sa pandemia na ito, makakaasa kayo kaming mga magulang ninyo ay di titigil sa panalangin na balang araw magkikita kayo at muling tatakbo at magkakayakap, dahil karapatan nyong maranasan at ma enjoy ang pagiging paslit sa isang mundong ligtas para sa mga anghel na naghahatid ng ngiti na kagaya nyo ❤️

Credit: @malia_obrian instagram

Bukod pa rito ay hindi naman napigilan ng mga netizen na panggigilan ang cuteness ni Tali at Malia ng makita ang mga ito sa kanilang naging pag-uusap.

“Pareho silang cute and pretty babies 



“Sna magkita cla in person super cuteeeeee 😭

Credit: @pauleenlunasotto instagram

“Next time join Zia also para lalong masaya all cuteees and witty girls 😍

“Bossing Little Girl TALITHA MEETS Pokwang American Little Girl MALIA.”